Engaged na ang sexy actress na si Nathalie Hart sa kanyang non-showbiz foreigner boyfriend na si Brad Robert.
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Miyerkules, August 10, 2022, inanunsiyo ni Nathalie ang kanyang engagement kay Robert.
Sabi ng StarStruck alumna sa una niyang post: “SECOND CHAPTER: I said yes #engaged”
View this post on Instagram
Sa isa pang post, sinabi ni Nathalie na nararamdaman niyang isa siyang prinsesa sa proposal ng nobyo.
Aniya, “Felt like a princess for a day [princess, praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Nagpasalamat naman si Nathalie sa bumuhos na congratulatory messages para sa kanila ni Brad.
Sabi nito, “Thank you everyone for all the beautiful messages. God is good [praying hands emoji]"
View this post on Instagram
Nangyari ang marriage proposal ni Brad kay Nathalie sa Mirèio function room ng Raffles, Makati City.
Ayon sa event stylist, sinadya nilang gawan ng “romantic red roses and a stunning city view” ang importanteng okasyon na ito sa buhay nina Nathalie at Brad.
“To mark this sweet couple's proposal, we framed @imnathaliehart and her beau Brad, with romantic red roses and a stunning city view.”
View this post on Instagram
Sabi naman ng NicePrint Photography, na siyang kumuha ng proposal photos: “She said Yes! [ring emojis] Brad Robert and Nathalie Hart are engaged [red heart emojis]”
View this post on Instagram
Ang huling napabalitang boyfriend ni Nathalie ay ang Indian national na si Mayank Sharma ngunit naghiwalay sila noong 2019.
