PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Young actress, ginawa ang lahat para makuha ang hunky actor

Young actress, nagtagumpay na maagaw ang marupok na hunky actor.
by Noel Orsal
Published Aug 9, 2022
blind item aktor at aktres
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Kahit medyo matagal na ay hindi pa rin nawawala sa isipan ng mga production staff ang isyu tungkol sa young actress at hunky actor na nangyari sa lock-in taping ng isang teleserye.

Sa shooting ng isang bagong pelikula, gigil na gigil na ikinuwento ng isang talent coordinator ang mga kaganapan sa taping na pinagsamahan ng young actress at ng hunky actor.

Ito raw kasing si young actress ay sobrang na-type-an si hunky actor kahit may girlfriend na ito.

Ginawa raw lahat ng young actress ang lahat para makuha at mapasakanya ang hunky actor.

Tuwing makikita raw ni young actress si hunky actor, lagi niya itong hinaharot at nilalandi hanggang sa katagalan ay bumigay na rin ang marupok na aktor.

Dahil nasa lock-in nga sila, nakikita raw ng production staff ang dalawa na madalas nagtatago sa isang sulok at kung anu-ano raw ang ginagawa.

Pero kahit alam ng young actress at hunky actor na may nakakakita sa kanila, wala silang pakialam mailabas lang nila ang init ng kanilang nararamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating pa raw sa pagkakataong si young actress ay madalas nang pumupunta sa kuwarto ni hunky actor at dun na natutulog.

Pakiramdam daw ng young actress ay siya na ang girlfriend ng hunky actor dahil sweet-sweetan sila sa tuwing magkasama. Kahit marami ang nakakakita sa kanila at kahit alam naman ng mga tao sa taping na may ibang girlfriend ang hunky actor, wapakels ang young actress.

Kuwento pa ng talent coordinator, sa tagal na nilang mga production staff sa shooting at taping, noong lang sila nakakita ng bagets na sobrang haliparot at walang pakialam magawa lang niya ang gusto.

Kung sabagay, sabi ng talent coordinator, nagbunga naman ang pagpapakahirap ng young actress dahil nakuha niya ang hunky actor at naging magdyowa sila nito kahit sandali lang.

Pero awang-awa raw ang talent coordinator at iba pang production staff sa ex-girlfriend ng hunky actor sa ginawa ng dalawa.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results