Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Rhian Ramos na magkasintahan sila ng negosyanteng si Sam Verzosa.
Si Sam ang co-founder ng beauty brand at marketing enterprise na FrontRow.
Eksklusibong nakatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa GMA Thanksgiving Gala Night, na ginanap sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig City, noong Sabado, July 30, 2022.
Mag-isa si Rhian nang dumaan sa Summit Photo Wall sa cocktails area, pero kaswal niyang binanggit na may ka-date siya sa okasyon.
"Sam is over there! Hi!" saad ni Rhian na kumaway kay Sam sa di kalayuan.
May pagkakataong nag-pose din sila bilang couple nang makunan sa red-carpet area.
Bilang host sa Summit Wall, tinanong ni PEP.ph Deputy Guide Editor Jimpy Anarcon si Rhian kung matatawag bang "new relationship" ang ugnayan ng aktres kay Sam Verzosa.
Nakangiting pag-amin ni Rhian, "Actually, I wouldn't call it new. New in public maybe."
Sumang-ayon din si Rhian na first appearance nila bilang couple ang pagdalo sa media-covered gala night ng GMA-7.
Noong Lunes, August 1, 2022, mismong si Sam ay nagbahagi ng ilang sweet photos nila ni Rhian na kuha mula sa GMA-7 Gala Night at after party.



RHIAN'S BREAKUP WITH ISRAELI BOYFRIEND
Ang huling nakarelasyon ni Rhian ay ang Israeli boyfriend niyang si Amit Borsok.
Naghiwalay sila bandang September 2020, at inamin noon ni Rhian na lubos siyang nasaktan sa breakup nila ni Amit.
READ: Rhian Ramos admits to “having a really hard time” after breakup with Israeli BF
Pero ngayon ay kitang-kitang masaya ang aktres.
Ano ang mga aabangan sa kanya sa natitirang kalahati ng 2022?
Sagot ni Rhian, "I am really focusing a lot more on movies and hosting. I kind of just discovered lately that it's something I enjoy doing.
"Before kasi I would be very dependent sa characters that I play to kind of represent me, when the truth is I'm a different person."
Mas gusto raw niya ngayon na akapin ang kanyang individuality.
