Inalala ni Enzo Pineda, 31, ang aniya’y maling balita na buntis ang kanyang girlfriend na si Michelle Vito, 24.
- Netizens ask if Michelle Vito is pregnant after seeing her latest photo on Instagram
- Enzo Pineda to Michelle Vito on their second anniversary: "You are the brightest star in my sky."
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ng aktor na ang kanyang ama na si Eric Pineda ang unang nagparating sa kanya ng intrigang iyon.
"Actually, nagulat ako nung nalaman ko. Yun pala, the night before, alam na pala ni Michelle na may ganung kuwento.
“Nalaman ko pa siya sa daddy ko nung una. Sabi ng daddy ko, ‘Enzo, buntis ba si Michelle?’ Na natutuwa pa siya in a way.
“Sabi ko, hindi ko alam. E, kasi nasa balita daw na buntis daw si Michelle.
“Nung nag-check ako, katabi ko si Michelle, ‘May ganito ka palang balita, di mo sinasabi sa akin.’”
Nobyembre 2021 nang kumalat ang larawan ng girlfriend kunsaan napansin ng netizens na bahagyang may umbok ang tiyan ng aktres.
Nilinaw naman ni Michelle ang isyu na hindi siya nagdadalantao at nagbiro na busog lamang siya nang kunan ang kumalat na larawan.
Sabi pa ni Enzo sa PEP.ph, nasa bakasyon sila noon ni Michelle kung kaya't mukhang nadagdagan ang timbang ng nobya.
"Naka-vacation nun si Michelle. Alam ninyo naman pag vacation kain lang, walang diet-diet.
"I think it's just the angle, yung picture na kumalat. Yung dad ko, ‘Sayang!’ Natuwa ang dad ko, as in."
Ayon pa kay Enzo, aamin sila ni Michelle sa publiko kung sakaling nabuntis nga ang kasintahan.
"Oo naman. For me, ever since ng career ko, I've been transparent with myself kasi ayoko naman na nagtatagu-tago sa mga fans namin, sa family ko.
“I'd like to be transparent para wala akong masyadong iniisip or parang may itinatago. As long as it's a good thing naman, wala namang problema dun."
Nakapanayam ng PEP.ph si Enzo sa 70th FAMAS Awards Night, na ginanap sa Metropolitan Theater noong Sabado, July 30, 2022.
“GOING STRONG”
Masaya at kuntento si Enzo sa itinatakbo ng relasyon nila ni Michelle. Ibinahagi rin niya ang sa kanyang palagay ay mga rason kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang relasyon.
Saad niya, "Okay naman, going strong, two years na kami.
"Para sa akin, sikreto, of course, trust, loyalty, and importante may same hobbies kayo ng girlfriend mo or ng boyfriend or your partner.
“Kami, every night, we play computer games, mobile games. Hanggang umaga nagmo-Mobile Legends kami.
"This is the time during the pandemic na nag-lockdown so kahit magkalayo kami sa isa't isa, mayroon kaming common interests para mas maging strong yung relationship."
Nakita na ba ni Enzo kay Michelle ang mga katangian ng babaeng gusto niyang pakasalan?
Sagot niya, "Ako naman, every time I'm in a relationship, I make sure that itong person has the possibility na maging asawa ko siya. Hopefully, in few years, di ba?
“Pero focus muna kami sa work right now. Bata pa kami.
"Hopefully, kung makaipon. Ang goal namin kasi is makapag-start ng sarili naming business so focus muna kami dun.
“Napag-uusapan [yung kasal] pag may topics kami about it. Open naman kami sa ganun. Hindi naman siya taboo na di namin pinag-uusapan. Casual lang."

UPCOMING TV PROJECT
Sa ngayon ay abala si Enzo sa training para sa seryeng Iron Heart kung saan makakasama niya si Richard Gutierrez para sa Kapamilya Channel.
Paglalarawan ni Enzo sa show, “Action teleserye siya. For the past months nagte-training kami ng mga stunts.
“Nakakapagod pero worth it, so hopefully by end of August makapag-shoot na kami. I'm really excited for this show. Something new kasi I've never done action.
“Mahilig ako sa martial arts. At least, finally magagamit ko siya sa shoot na ito.”
