PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor first recipient of Susan Roces Celebrity Award at FAMAS

Nora shines light to production people who are behind the success of every film she made.
by Melba R. Llanera
Published Aug 1, 2022
Nora Aunor
Nora Aunor makes her acceptance speech at the 70th FAMAS Awards Night. She is seen with Senator Jinggoy Estrada (left), who was awarded with the FPJ Award. On the right photo, Nora is seen with FAMAS Best Actor Allen Dizon.
PHOTO/S: FAMAS Facebook

Pagkatapos hirangin bilang National Artist for Film And Broadcast Arts noong Hunyo, pinagkalooban naman si Nora Aunor ng kauna-unahang Susan Roces Celebrity Award sa 70th FAMAS.

Layunin ng bagong award category na kilalanin ang kontribusyon ng mga artista sa entertainment industry.

Ginanap ang 70th FAMAS Awards Night sa Metropolitan Theater nung Sabado, July 30, 2022.

Sa kanyang acceptance speech, sabi ni Nora, "Sa pamunuan ng FAMAS at sa National Artist council, sa mga opisyal ng gobyerno, mga guro at kritiko, mga kapwa ko artista, at sa pinakaminamahal ko na mga Noranians, sa ilan pong taon na kinikilala ng FAMAS, ang inyong lingkod at ang aking naging buhay sa larangang ito, ako ay tunay na nagagalak at nagpapasalamat."

Binanggit din ng Superstar na dapat mabigyang halaga at atensiyon ang mga maliliit na tao sa industriya.

Hiling niya, sana ay matulungan ng gobyerno kung paano maiangat ang kabuhayan ng mga maliliit na tao sa larangan ng pelikula, radyo, at telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bilang bagong hirang na National Artist para sa pelikula, hinahangad ko na sana ituon natin ang ating pansin sa mga maliliit na kasamahan natin sa telebisyon, radyo musika, at pelikulang Pilipino.

"Hangad ko po na sana mapagtibay ng ating pamahalaan ang mga programang susulong sa kabuhayan ng ating mga katrabaho na siyang tunay na nagmamalasakit sa lahat ng ginagawa natin.

"Kilalanin po natin palagi ang kontribusyon nila mula sa mga ginagawa natin. Sa mga technicians, drivers, crews, production assistants, na kung hindi sa kanila wala pong magandang musika o palabas na malilikha tayo.

"Patuloy pa po nating buhayin at pasiglahin ang sining ng pagkukuwento sa pamamagitan ng pelikulang Pilipino."

Sa huli ay muling nagpasalamat ang Superstar sa Noranians at sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

"Sa mga Noranians mahal ko kayo. Sa pamunuan ng FAMAS, sa mga minamahal kong mga kaibigan, na malapit sa akin, sa inyong lahat, mahal po kayo sa puso ko, hanggang kamatayan po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre mahal na mahal ko kayo, taos puso po yun. Pag sinabi kong mahal ko kayo nasa puso ko yun. Maraming salamat po."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor makes her acceptance speech at the 70th FAMAS Awards Night. She is seen with Senator Jinggoy Estrada (left), who was awarded with the FPJ Award. On the right photo, Nora is seen with FAMAS Best Actor Allen Dizon.
PHOTO/S: FAMAS Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results