PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto now engaged to non-showbiz boyfriend?

Are we expecting an Angeline Quinto wedding soon?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 29, 2022
Angeline Quinto
"Is that an engagement ring?" netizens ask after looking at the photo posted by Angeline Quinto with boyfriend Nonrev Daquina and their son during their vacation in Quezon Province.
PHOTO/S: Angeline Quinto Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa pagiging engaged na umano ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina.

Read: Angeline Quinto "ready" to get married to Nonrev Daquina: "Siya yung true love."

Nag-ugat ang espekulasyon ng netizens sa latest Instagram post ni Angeline.

Noong July 28, 2022, ibinahagi ni Angeline ang litrato ng kanyang pamilya kasama ang non-showbiz boyfriend at ang anak nilang si baby Sylvio habang nagbabakasyon sa isang resort sa Quezon Province.

Ayon sa singer, happy and grateful siyang makapagbakasyon kasama ang kanyang mag-ama lalo't higit na ito ang unang out-of-town trip ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit imbes na ang masayang bakasyon nila ang mapansin ng netizens, mas napukaw ang atensiyon ng mga tagasuporta ni Angeline sa tila engagement ring na suot niya na makikita sa larawan

NETIZENS' REACTION

Inulan ng iba't ibang komento ang naturang post ni Angeline.

Marami ang nagtanong kung ang suot daw ba niyang singsing ay engagement ring.

“Is that an engagement ring?” diretsahang tanong ng isang netizen.

Angeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad naman ng isa, "OMG! The ring."

Angeline

Ayon pa isang netizen, "Yung singsing ang napansin ko. Pansin n’yo rin ba? Charot!”

Angeline

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Angeline

Noong June 29, 2022 ay nauna nang napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang suot na diamond ring ni Angeline habang siya ay ini-interview.

Ang interview ay ginanap matapos i-launch ng singer ang kanyang bagong line na Twinqle skin and baby products.

Tinanong ng PEP.ph si Angeline, kung engagement ring ba ang suot niyang singsing na galing kay Nonrev.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imbes na sumagot ay tinawanan lamang ito ng singer.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na sagot si Angeline sa tanong ng kanyang mga tagasuporta kung engaged na ba siya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Is that an engagement ring?" netizens ask after looking at the photo posted by Angeline Quinto with boyfriend Nonrev Daquina and their son during their vacation in Quezon Province.
PHOTO/S: Angeline Quinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results