Naoperahan na ang beteranong aktor na si Pen Medina.
Siya mismo ang nagbigay ng update ng kanyang operasyon sa kanyang Facebook account nitong July 23, 2022.
Pagbabahagi ni Pen, “Praise God for making my spinal surgery safe and successful.”
Pinasalamatan din niya ang medical team na nagsagawa sa kanya ng operasyon, at sa mga taong walang-sawa at walang-pagod sa pagtulong at pag-alalay sa kanya.
Pero ani Pen, hindi pa tapos ang kanyang laban. “I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection.
“Marami pong salamat sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa akin. Marami pong salamat!”
Matatandaang naging bedridden ang 71-anyos na aktor dahil sa iniindang pananakit ng likod na in-identify bilang Degenerative Disc Disease (DDD).
Ayon sa medicalnewstoday.com, ang DDD ay isang "age-related condition" kung saan "one or more of the discs between the vertebrae of the spinal column deteriorates or breaks down, leading to pain."
Nanawagan din ang kanyang pamilya ng panalangin at tulong pinansyal para sa kanyang operasyon dahil naubos umano ang kinita ni Pen sa pag-aartista mula nang magkapandemya dahil nabawasan ito ng mga proyekto.
