Kinumpirma na ba ni Yassi Pressman ang relasyon nila ng Filipino-Canadian basketball player na si Jon Semira?
Ngayong hapon ng Huwebes, July 21, 2022, nag-upload si Yassi sa Instagram ng larawan mula sa Amsterdam, Netherlands kasama ang isang lalaki na medyo nakakubli ang mukha.
Parang nakahalik ang aktres sa lalaki. Sa caption, binati ito ni Yassi sa kanyang kaarawan.
Wala mang binanggit na pangalan, naka-tag ang Instagram account ng lalaki na may username na @imjonnytsunami.
Kapag binisita ang account, ang nakalagay ritong real name ay Jon Semira.

Sabi ni Yasssi sa caption, masaya siyang nagkatagpo silang dalawa.
Masuwerte rin daw ang aktres na nasa tabi niya ang nobyo upang pakalmahin siya, at itulak siya upang mas maging mabuting tao.
Buong caption niya, “HBD [heart emoji] so happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.
"I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think i'm kulit [round eyes, smiling with a hand over his mouth emoji]”
View this post on Instagram
Napuno naman ng pagbati, kasama na ang heart emojis, ang comments section ng post ni Yassi mula sa maraming celebrity friends nila.



Ilang taong walang napababalitang karelasyon o dini-date ang Viva actress.
April 2019 unang pumutok ang balitang nagkakamabutihan diumano sila ni Coco Martin nung kasali pa siya sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Lumabas pa nga ang balitang nagkaroon daw ng tensiyon sa pagitan ni Coco at sa totoong girlfriend nitong si Julia Montes dahil kay Yassi.
Read: Yassi Pressman dismisses third-party rumor in Coco Martin-Julia Montes relationship
Hanggang sa namatay ang karakter ni Yassi sa Ang Probinsyano ay walang aminang nangyari hanggang sa tuluyang namatay ang isyu.
