PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame denies tapping stars to join AMBS 2

AMBS 2 is now open for hiring new talents.
by James Patrick Anarcon
Published Jul 16, 2022
Willie Revillame AMBS
Willie Revillame still on the lookout for talents for AMBS 2: "Walang katotohanan na kinausap ng ganito, sa noontime si ganito, wala pong katotohanan yun."
PHOTO/S: Tutok to Win

Hindi raw totoong nakikipag-usap at nakikipag-negotiate na si Willie Revillame sa ibang artista at talents para sa Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS 2.

Sa kanya mismo nanggaling ito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment press sa kanyang Tutok to Win press conference ngayong gabi, July 15, 2022.

Nag-imbita si Willie ng press via Zoom para ma-witness ang kanyang contract signing sa AMBS 2, ang bagong free TV network na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar at siyang mapapanood sa Channel 2 frequency na dating pag-aari ng ABS-CBN.

Ang unang programang siguradong magiging bahagi ng AMBS 2 ay ang kanyang game show na Wowowin. Bukod dito ay miyembro rin si Willie ng mga bumubuo ng programa para sa network kasama ang presidente ng network na si Beth Tolentino.

Isa sa mga naging katanungan ng PEP.ph kay Willie ay kung ano ang gusto niyang maging tatak ng mga programa na mapapanood sa AMBS 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging tapat si Willie nang sagutin niyang hindi pa ito napapag-usapan dahil sa kasalukuyan, binubuo pa lamang ang mga palabas na mapapanood sa network.

Sabi ni Willie, "Sa ngayon, wala pa yun, e, kasi nga binubuo pa lang.

"Sabi ko nga, meron tayo—I would say—na gamit pero wala naman tayong paggagamitan.

"So kailangan natin ng makakasama at iko-conceptualize ang mga programa."

Sa ngayon daw, bukas ang AMBS para mag-hire ng mga talents at hindi rin daw totoong may nakausap nang artista at talents si Willie para sumali sa kanya sa AMBS-2.

Patuloy ni Willie, "Actually, I'll be honest with you, sabi nga ni Ms. Beth, we are now open for hiring, of course, production staff, sa technical, we are now open.

"That’s why we are discussing this dahil nag-open kami ngayon ng live sa FB at YouTube.

"So, puwede nang mag-apply lahat kasi dati, puro salita."

Ayon pa kay Willie, hindi raw totoong may mga sinabihan na siyang artista na mapapanood sa noontime o kung anumang programa sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At saka gusto naming i-clear, hindi totoo yung tsismis na may kinausap kaming ganito, kinausap... wala pang kinakausap.

"Kami lang ni Ms. Beth ang nag-uusap at nagpapaalam kami sa pamilya ng Villar, so walang katotohanan na kinausap ng ganito, sa noontime si ganito, wala pong katotohanan yun.

"Dahil kami ni Ms. Beth ang kumakausap sa managers, sa kumpanya ng mga kukuhaning artista, at sa mga artista. Wala pa ho.

"Lahat ito sasabihin namin, another press conference."

Sa ngayon, ang target daw nina Willie at Beth ay magsimulang umere ang mga palabas ng AMBS sa October 2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame still on the lookout for talents for AMBS 2: "Walang katotohanan na kinausap ng ganito, sa noontime si ganito, wala pong katotohanan yun."
PHOTO/S: Tutok to Win
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results