Isa ang actress/singer na si Rachel Alejandro sa mga local celebrities na tinamaan ng COVID-19 at nangyari ito sa kanya noong December 2021.
Halos magkasabay daw silang tinamaan ng virus ng mister niyang si Carlos Sta. Maria.

Inamin ito ni Rachel nitong nakaraang Huwebes, July 14, sa presscon ng Rachel Alejandro: Live In Concert sa Executive Dining Hall ng Winford Manila Resort & Casino Ballroom.
Kumpleto sa detalye ang kanyang kuwento, "Nagkaroon. So holidays, di ba, in the U.S., nagpa-test ako because I was going to attend a New Year party, actually.
“Nung time na yun, kasagsagan ng Omicron. So, ang nangyari was, since ang dami ngang nagkakaroon, nagpa-positive, ganyan-ganyan, ang turnaround ng mga testing was sobrang tagal.
“And then, yung mga test kits na nabibili, as in sold out talaga. So parang wala kaming choice ng husband ko.
"Nagpunta kami sa isang clinic na talagang literally hundred-something patients kami, ganun.
"Naisip ko na talaga, nandun ako sa isang room na walang bintana, sabi ko, ‘Okay, lahat ng hinihinalang may COVID nandito, ayun confirmed!
“Two days later, may sore throat na ako. Pero I thought na parang siguro acid reflux."
At tumawa si Rachel, “Kasi pag December, sa dami ng mga kinakain na hindi dapat at mga iniinom na medyo napapadami, akala ko acid reflux.
“Pero I never felt anything else, parang ano lang, sore throat na akala ko is ano... I was very blessed, kasi I know hindi lahat ng tao ay naging mild.
“Kaya ko na-realize, kaya ako nagpa-test na talaga, kasi na-realize ko hindi na ‘to acid reflux.
"Kasi usually pag tumigil ka na, usually pag inayos mo na yung kain mo, hindi ka na umiinom ng wine, ganyan, iyon lang naman nakakaasim ng sikmura.
“Yun naramdaman ko, hmmm, medyo persistent siya. 'Tapos iyon, kaya ko nalaman na ganun.”
Sa bahay daw sila nag-quarantine ng ilang araw, at nang matapos ito ay hindi na sila muling nagpa-test.
Ani Rachel, “Hindi na kami nag-test, kasi ang ano naman sa U.S. at that time is, you just let so many days pass, seven days, na parang quarantine 'tapos laya ka na.”
Nagkataon naman daw na pumunta sa Amerika ang kaibigan niya, ang singer/director at former Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo.
“Dapat bibisita sa akin, mag-i-stay siya sa akin, pero sabi ko sa kanya, ‘Pasensiya ka na hindi ka puwedeng mag-stay!’
“Buti na lang gumaling ako before he left for Manila, so nagkita kami.”
Ilang araw lang daw sila nakaramdam ng sintomas ng COVID-19.
Sa ngayon ay bakunado na si Rachel, "I have a booster na so… in the U.S. kasi, kapag every month, when you’re under the age of fifty, wala pa namang second booster.
"Nandun pa rin tayo sa first booster. Yung primary 'tapos yung booster, pero pag over fifty, required.
RACHEL ON MARRIED LIFE
Nagkakilala raw sina Rachel at Carlos, isang Spanish journalist based sa New York, sa isang bar dito sa Maynila.
Lahad ng singer, “I met him in a bar here in the Philippines. Nung time na yun kasi he was working here sa Philippines.
“2009 kami nagkakilala, we got married in 2011 and then yun, ngayon nakatira na siya sa New York.
“So, nung 2017, he moved there, nandito pa rin ako, balik-balik. Talagang napirmi lang ako nang konti because of the pandemic kasi nga nawalan ako ng work.
“So, it’s been kinda long-distance relationship in a way, so we’re trying to change that by looking for more work in the U.S. these days para nga magkasama kami.”
Wala raw silang anak ni Carlos, “I had a dog but he passed away, so siya na yung pinaka-anak ko na, I never had kids.
"But I have mga nieces and nephews na will probably take over the Alejandro music royalty,” at tumawa si Rachel.
Samantala, magaganap ang concert ni Rachel sa July 30, 2022, Saturday 8PM sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom sa Consuelo St. Sta. Cruz, Manila sa likod ng SM San Lazaro.

Magsisislbing mga guests niya sina Maria Laroco (of The X Factor UK 2018) at Lance "The Crooner" Carlos.
Ang concert ay sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo at produced ng VCSD Productions.
