Isiniwalat ng dating UAAP courtside reporter na si Agatha Uvero ang pisikal at emosyunal na pang-aabuso na naranasan niya umano sa ex-fiancé na si Paul Desiderio.
Si Paul ay PBA player na naglalaro para sa koponan ng Blackwater Bossing.
Sa sunud-sunod na tweet niya nitong Miyerkules ng madaling-araw July 13, 2022, ibinunyag ni Agatha ang pang-aabuso umano sa kanya ni Paul.
Saad niya: "I really didn't wanna do this but the threats have been difficult and I owe this to myself and to women out there.
“I've talked to Paul so many times but he kept telling me to do it, and said that if his career goes down, it's my fault. I'm done with your gaslighting, Paul."
Ayon kay Agatha, mayroon siyang mga ebidensiya, gaya ng mga litrato at screenshoots, na magpapatunay na nagsasabi siya ng totoo.
“I have proof, pictures, screenshots, if no one will side me, I’ll accept it but I know the truth,” aniya.
PHYSICAL AND EMOTIONAL ABUSE
Sa panahong magkarelasyon sila ni Paul, naranasan umano ni Agatha na sakalin, suntukin, tadkayan, ihagis sa lamesa at pader, ihampas ang mukha sa bintana ng kotse, at ikulong sa kuwarto.
Kahit daw noong buntis siya sa anak nila ni Paul ay patuloy pa rin ang pananakit ng PBA player.
Paglalarawan ni Agatha sa mga pang-aabuso umano ni Paul sa kanya:

Sa hiwalay na tweet ay ipinakita rin ni Agatha ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Paul kung saan hiniling niya ritong magpatingin sa espesyalista dahil wala na raw ito sa tamang pag-iisip.
Pero ibinalik ni Paul ang akusasyon kay Agatha at pinagbantaan pa niya ito.
Bahagi ng sgot ni Paul, “Pag nalasing ako, baka may magawa pa ko sayo, hindi ako okay, promise!"

POST-TRAUMATIC STRESS DISORDER
Ayon kay Agatha, dahil sa kanyang pinagdaanan ay nakaranas siya ng post-traumatic stress disorder (PTSD).
Ang post-traumatic stress disorder (PTSD) ay isang trauma at sakit na dulot ng stress na nabubuo matapos makaranas ng isang matinding panganib o sakuna.
Ayon sa mga pag-aaral, nakukuha ang PTSD sa malubhang aksidente, nasasaksihan ang marahas na pagkamatay ng iba, kalamidad o pagiging biktima ng marahas na krimen.
Puno man ng takot si Agatha ngayon ay nagsasalita raw siya sa ngalan ng mga kababaihang nakakaranas din ng parehong pang-aabuso ngunit natatakot lamang lumabas at magsalita.
Sabi niya, “We won't let them be the victors while we hide as silent victims. Please, ladies, we can't allow this to keep happening. Men should be accountable for their actions.”
PBA INVESTIGATION
Matapos ibunyag ni Agatha ang naging karanasan sa kamay ng kanyang ex-partner ay naglabas ng statement ang Philippine Basketball Association.
Sinabi nila sa kanilang statement na hindi nila kailanman ito-tolerate ang anumang uri ng domestic abuse.
“This league will not tolerate any form of domestic abuse. No matter the cause or circumstances, physical and psychological abuse of women, whether in the confines of marriage or not, is inexcusable.
“This report deserves to be given serious attention by both the ballclub concerned and the PBA itself.”
Dagdag pa nila, “The league will conduct an inquiry and hand down its findings and resolution as soon as the facts are clearly established. We are confident that the Blackwater management will extend its full cooperation and assistance toward ensuring that a just determination is reached."
BLACKWATER BOSSING STATEMENT
Nagbigay rin ng pahayag ang Blackwater Bossing, ang koponang kinabibilangan ni Paul sa PBA.
Ayon sa kanila ay nirerespeto nila ang personal na buhay ng kanilang mga manlalaro, ngunit rin nila kukunsitihin ang anumang klaseng pang-aabuso.
"We respect the personal life and privacy of our players unless they seek our help and assistance.
"We reserve the right to comment on any social media posts especially if they are unverified.
"If the allegations were true and the concerned player consents, then we will look into it and possibly come out with our position.
"Definitely, we abhor any and all forms of violence against women and children. Women and children deserve nothing less of our love and respect."
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Paul.
Noong June 2, 2022, ay isinapubliko ni Agatha na hiwalay na sila ni Paul matapos niyang ma-engage dito noong 2019.
Sina Agatha at Paul ay may isang taong gulang na anak na lalaki.
