Matapos ang ilang oras ng plane travel, isang connecting flight, at tatlong oras na land travel, nakarating na sa wakas si Zsa Zsa Padilla sa Nis, Serbia, para sa nalalapit na kasal ng anak na si Zia Quizon.
Si Zia ay anak ni Zsa Zsa sa namayapang Comedy King na si Dolphy.
Nakatakdang ikasal si Zia sa longtime boyfriend nitong si Aleksa.
Sabi ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram post kagabi, July 11, 2022, sa haba ng biyahe ay nakaramdam siya ng jetlag.
Sinundo raw siya sa airport ni Zia mismo, ng magiging manugang na si Aleksa, at ang magiging balae nito.
Sabi ni Zsa Zsa, “Travelled to be with my bunso on her special day! Took the evening flight to Istanbul then connecting flight to Belgrade.
"Zia and fiancé Aleksa and his Dad came to pick me up at the airport. Took another 3-hr ride to Nis, Serbia.
"So here I am, Jetlag but super happy! Can’t wait to meet the rest of the family! [hearts emojis]”
View this post on Instagram
Nitong nakaraang July 10, inulat ng PEP Troika ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Zia, alinsabay sa paggunita ng ika-10 taong anibersaryo ng kamatayan ni Dolphy.
Sa pamamagitan ng isang tulang inalay sa namayapang ama, ipinahiwatig ni Zia ang kanyang nakatakdang pagpapakasal.
Narito ang patulang post ni Zia sa Instagram (published as is):
"Dear Papa,
"How I miss you, How I wish that you were here, To walk me down the aisle, And smile, And maybe shed a tear
"I knew this day was coming / And I knew that you’d be gone, / But still I hear you humming, / Strumming to a joyful song
"No, it isn’t how I planned it, / But he’s all I hoped he’d be, / There is family that’s chosen, / And I chose what’s best for me
"Maybe somewhere you are watching / Over on some distant star, / And I’m sorry you won’t be here, / But the truth is you are."
View this post on Instagram
Masayang-masaya naman daw si Zsa Zsa sa bagong yugto ng buhay ng kanyang anak.
Read: Anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia, ikakasal na
Si Dolphy ay pumanaw sa edad na 83 noong July 10, 2012.
