Maraming netizens ang na-excite matapos na tila kumasa si former Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa pasaring sa kanya ni Annabelle Rama.
Hindi man siya direktang pinangalanan ni Annabelle sa kanyang post ngayong Lunes ng umaga, July 11, 2022, tinumbok ng maraming netizens na para raw ito kay Guanzon.
Buong tweet ni Annabelle: “Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!! Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??”
Matapos ang halos isang oras, mukhang may sagot sa kanya si Guanzon.
Magkapareho kasing “Day”— pinaikling “Inday” sa salitang Cebuano — ang ginamit na salita ng dalawa.
Makahulugang sabi ng dating Comelec commissioner: “Wait lang dayy!!”
Pagkalipas ng tatlong oras, may follow-up sa “bardagulan” nila ni Annabelle si Guanzon. Tila may pasaring din sa anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez.
Sabi ni Guanzon sa kanyang Facebook post ngayong hapon: “No, thanks! pinapasuweldo ko ng maayos ang mga kasambahay namin.”
Dagdag pa niya sa isa pang post: “Naresearch ko din, naka pdf file pa.”
Nag-ugat ang tweet ni Annabelle sa naunang patutsada ni Guanzon na dapat daw ay “congresswoman” ang tawag sa kanya nang sagutin ni Ruffa ang tanong niya kung may katotohanan ba ang nakarating sa kanyang impormasyon.
Ayon kay Guanzon, napag-alaman niyang pinalayas umano ng aktres sa kanyang pamamahay ang dalawang kasambahay nito.
Ang masaklap pa nito, hindi pa raw binabayaran ng aktres ang sahod ng mga ito.
Read: Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries
Sa paliwanag ni Ruffa bilang sagot sa mga katanungan ni Guanzon, hindi niya tinawag na “congresswoman” si Guanzon.
Si Guanzon ang number one nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list. Ngunit hindi pa siya makakaupo sa Kongreso dahil sa nakabinbing petisyon sa Supreme Court.
Read: Annabelle Rama sinagot si Rowena Guanzon? "Huwag ka maging chismosang marites!"
