PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Psalms David musical inspiration beauty with uncertainty pandemic

Psalms David proud of his faith
by Rommel Gonzales
Published Jul 9, 2022
Psalms David
Psalms David recounts how his composition "Kaulayaw" turned out to be his source of strength and emotional stability during his struggling times, especially during the height of the pandemic.
PHOTO/S: PR

Maraming songwriters ang humuhogot ng inspirasyon mula sa mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan.

Para sa The Clash Season 1 finalist na si Psalms David, naging inspirasyon niya ang pandemya para maisulat ang kanyang bagong kantang pinamagatang "Kaulayaw."

Nagkuwento si Psalms sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA Music noong June 23, 2022.

Aniya, “It was written mga first quarter ng pandemic so everyone was adjusting, especially me.

"Ang mental health ko nun wasn’t that stable so I decided to write a song for myself."

Napili niya ang pamagat na "Kaulayaw" dahil naging kaulayaw niya talaga ang kanta sa mga panahong iyon.

Paglalarawan niya sa kanta, "My constant companion and intimate companion kasi it gave me comfort po, yung kantang yun.

“Kaya happy po ako ngayon na mase-share ko na sa lahat yung kantang sinulat ko.

"And sana magbigay din siya ng comfort sa lahat ng listeners just like what it did for me before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa raw ang kantang ipinasa ni Psalms sa GMA Music.

Dagdag detalye niya, “And si 'Kaulayaw' that time, wala siyang title and very raw po siya. Si 'Kaulayaw,' siguro three years siya or two years siyang walang title."

Nagkaroon lang daw ng pamagat ang "Kaulayaw" nang marinig na ng GMA Music ang kanta.

Hindi naman inasahan ni Psalms na "Kaulayaw" ang mapipili ng GMA Music na i-release.

Pahabol pa niya, “Bale dalawang kanta po yung pinasa ko, yung isa English. Akala ko iyon po talaga yung ire-release, yung English kasi mas ready yun, e.

“Pero siguro po nakita ng GMA Music yung potensyal ni 'Kaulayaw,' and sobrang raw po talaga pag napakinggan nyo yung demo. 'Tsaka yung final output, sobrang magkaiba.

“So ayun po, sobrang nagulat ako, kasi in-expect ko, yung isa yung pipiliin pero si 'Kaulayaw' yung pinili and hindi po sila nagkamali.”

Released na sa iTunes, Spotify, at iba ang digital platforms worldwide ang "Kaulayaw" simula pa nitong June 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

psalms' mental health

Galing sa bibliya ang pangalan ni Psalms, kaya natanong namin siya kung gaano siya karelihiyoso.

“Hindi naman sobra, pero I have a relationship with God and super happy po ako na lumaki ako nang ganun, and very guided po ako ng magulang ko when it comes to my spirituality.

“Kaya ayun po, yung religious state ko po ngayon is okay naman po, hindi naman sobra pero tama lang, ganun,” nakangiting wika pa ni Psalms.

Ang Panginoon daw ang kinapitan niya sa mga sandaling hindi stable ang kanyang mental health.

Pagmamalaki niya, “Yes po! And naniniwala po ako na ginamit ng Lord si 'Kaulayaw' sa akin para maging okay po ako. And ayun, hopefully gamitin din ni Lord para sa ibang tao yung kanta ko.

“Kaya nung pinasa ko po itong kanta na ito, pinag-pray ko po siya bago ko ipasa and bago po siya i-release para ayun, naging anointed yung kanta and mas marami pong ma-touch na lives hopefully.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Iyon po talaga yung gusto kong mangyari.”

Aminado si Psalms na sa simula ng pandemya ng COVID-19 ay nakaranas siya ng anxiety at depression.

Pag-amin niya, “Ay opo, opo, hindi ko naman po iyon itatago.

"Pero nangyari po iyon sa akin, sobrang hirap po nung time na yun especially sa akin as a breadwinner. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko talaga, clueless po ako.

“Nag-adjust po talaga ako dun sa hindi makakalabas, yung work, paano yung pangyayari, very uncertain yung lahat ng bagay."

Pero ayon kay Psalms, natutunan daw niyang "may beauty with uncertainty."

Saad niya, “Kaya in-enjoy ko na lang po yung journey. At least, kasama ko po ang pamilya ko and blessed pa rin po ako na kasama ko sila.

“So, nag-adjust din po talaga ako. Thank you Lord na lang at mabilis naman po akong naka-adjust and medyo strong naman po yung personality ko and nakaya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-realize ko na importante na I surround myself with people na good sa mental health ko. Grateful and blessed na meron akong sila.”

May payo ba si Psalms sa mga millennials na tulad niyang dumaranas ng anxiety at depression?

Lanad niya, “You don’t have to go through everything alone. And you’re not designed to walk through this life alone. Kaya ka binigyan ni Lord ng parents, ng friends.

“And God works in very mysterious ways. Puwede niya gamitin yung family mo, friends mo, and puwede siyang gumamit ng kanta, puwede siyang gumamit ng Facebook post.

"Basta you just have to look at it and be grateful with the small things.

“Kasi yung mga small things, pag nag-pile up yun, you will be grateful for all those things."

Isa raw ang lagi niyang pinapaalala sa mga nakakausap niya.

"Nire-remind ko sila na a humble heart is a grateful heart, and a grateful heart is a happy heart!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon po. Who doesn’t want a happy heart, di ba?” makabuluhan niyang pangwakas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Psalms David recounts how his composition "Kaulayaw" turned out to be his source of strength and emotional stability during his struggling times, especially during the height of the pandemic.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results