Kung mabibigyan ng pagkakataon si Sean Lucas, gusto niyang makapareha sa isang teleserye si Heart Evangelista.
“E, sino naman pong hindi, di ba? Heart Evangelista iyan, e!" bulalas ni Sean nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang Zoom mediacon noong Miyerkules, June 29, 2022.
Tampok sa nasabing mediacon ang apat na male Sparkada artists na sina Sean, Raheel Bhyria, Larkin Castor, at Vince Maristela.
Pagpapatuloy ni Sean tungkol kay Heart, “Sure po, why not? I’d be really honored and happy na makasama siya sa isang teleserye.”
Biro ni Sean, may perks daw kapag naging close sila ni Heart.
Aniya, “Di ba? 'Tapos, you know, hiram-hiram lang tayo ng shopping bag niya ng Dior, 'tapos IG story lang, pam-flex lang, ganun."
Napabalita naman na tila na-intimidate daw si Sean kay Kyline Alcantara nang mag-guest ang Sparkle artist sa All-Out Sundays.
Paglilinaw naman ni Sean, “Hindi naman po intimidate, more of na-starstruck lang po talaga.
"Kasi nga po, bago talaga ako sa showbiz, 'tapos to see someone like her na super pretty, talented and established na artista, parang na-starstruck lang ako, nag-freeze lang ako.
“Tiningnan ko lang siya, hindi ako nakapagsalita.” At muling natawa si Sean.
Pagdating naman sa male artists na kanyang hinahangaan, iniidolo raw ni Sean ang Kapuso Prince na si Miguel Tanfelix.
Aniya, “Ang galing niya umarte and aside from that, what I really idolize about him is sobrang galing niya rin talagang sumayaw.
“Tsaka in terms of fashion din, ang galing niyang pumorma.
"So yung lahat na iyon, yun yung reasons kung bakit idol ko siya."
Sigurado raw na kapag ipinalabas na ang Philippine adaptation ng Japanese anime na Voltes V ay panonoorin ito ni Sean dahil isa sa mga bida si Miguel bilang si Steve Armstrong.
“Ay, siyempre po, ‘matic iyan, Voltes V!”
Malapit nang mapanood si Sean sa Luv Is: Caught In His Arms, na collaboration ng Wattpad at GMA.
RAHEEL BHYRIA ON BEING FILIPINO-PAKISTANI
Kasama ni Sean sa Luv Is: Caught In His Arms ang kanyang kapwa Sparkada male artist na si Raheel Bhyria.
Half-Pakistani, half-Filipino si Raheel, pero dito siya sa Las Piñas, ipinanganak.
Ayon kay Raheel, pumunta siya sa Pakistan noong bata pa siya.
Aniya, “I went there po nung bata ako, pero for a year lang. Then dito na po ako buong buhay ko.”
Ano ang maituturing niyang ugali niyang Pakistani at ugaling Pinoy na meron siya?
“Honestly sa ugaling Pakistani, I’m really not sure. Pero siguro madi-distinguish ko siya is alam ko talaga yung Filipino side ko.
“Siguro sa Filipino side, yung sa pagiging matulungin sa tao. Ganun siguro, 'tsaka pagiging mabait sa tao.
“Pero yung sa Pakistani side, siguro hindi ko lang siya makontrol. Siguro mukha talaga akong matapang lang, siguro iyon lang yung nakuha ko sa Pakistani side.
“Out of control ko yun, siguro.”
Unang project ni Raheel sa GMA ang Luv Is: Caught In His Arms kung saan kasama sina Sofia Pablo at Allen Ansay, at iba pang members ng Sparkada na sina Vince Maristela, Caitlyn Stave, Cheska Fausto at Tanya Ramos.
Kung si Heart ang pangarap na makatrabaho ni Sean sa GMA-7, sino naman ang kay Raheel?
“Si Heart Evangelista, si Marian Rivera, Kyline Alcantara, si Barbie Forteza… basta mga established actresses sa GMA.”
Pero kung papipiliin siya sa kanyang mga nabanggit na Kapuso actresses, sino ang gusto niyang maging unang leading lady?
“Ah leading lady, siguro si ano na lang po, si Heart na lang po.”
Ano ang nakita niya kay Heart para ito ang piliin niyang maging unang leading lady at crush?
“Gusto ko po kay Heart yung mata niya, nakikita ko lang po sa videos yung ugali niya sa mga tao, kung gaano siya ka-genuine 'tsaka mabait kaya ko siya nagustuhan.”
