Kabilang si Tetchie Agbayani sa main cast ng The Fake Life, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Sonya de Guzman.
Kaya natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang beteranong aktres tungkol sa mga nakababatang co-stars sa serye na sina Sid "Timmy" Lucero, Ariel Rivera, at Beauty Gonzalez.
Masayang kuwento ni Tetchie, “Ako I was really pleasantly surprised! Kasi well, of course, si Timmy nakatrabaho ko na dati.
“And I know the kind of intense actor he can be, he's a wonderful actor, very in touch with his emotions."
Maganda rin ang feedback ni Tetchie kay Ariel.
“First time kong nakatrabaho si Ariel and si Ariel surprised me because iba rin yung kanyang atake sa role niya, very quiet intensity ang kay Ariel.
“Very subtle pero malalim. So kakaibang Ariel yung mapapanood dito sa The Fake Life.”
Gumaganap si Sid bilang Mark Santiaguel at si Ariel bilang Onats Villamor, na asawa ni Cindy Villamor, na ginagampanan naman ni Beauty.
Patuloy ni Tetchie, “And of course with Beauty, what can I say with Beauty.
"Si Beauty has a great respect for her craft, she comes in prapered, ready, so professional. She’s a great actress and behind the scene, oh I dunno, I just love si Beauty!
“She and I got along very well, and of course everyone here. I mean si Ariel nabibiro ko iyan, and si Timmy din."
Sa direksyon in Adolf Alix Jr., gaganap din sa The Fake Life ang young talents na sina Shanelle Agustin bilang si Jaycie Villamor at Carlos Dala bilang si Jonjon Villamor, ang mga anak ni Ariel sa teleserye, at Will Ashley bilang si Peter Luna.
Lahad ni Tetchie, “Direk Adolf I’ve worked with Direk several times na rin in the past. So basically walang masyadong naging hassle sa production na ito.
“Smooth lahat, maayos ang samahan lahat, walang mga problema, walang mga attitude.
"Everyone is super-professional, lalo na yung mga younger generations namin—si Shanelle, si Will—na nakatrabaho ko na dati, and then of course si Carlos Dala. Ang suwabe ng trabaho so far.”
OM BEING "MOTHERLY" TO YOUNGER STARS
Tanong ng PEP.ph, si Tetchie ba ang tipo ng artista na kapag ang kaeskena ay hindi handa sa kanilang eksena ay nagtataray o kumukumpronta sa co-star? O hinahayaan na lang niya?
Mariing tugon ng batikang aktres, “Ay hindi, hindi ako ganun. Kasi nanggaling din ako sa newcomer ako, hindi pa ako sanay, di ba?
"Ako I always like to emphatize with my co-actors. Yun ang aking motto sa trabaho, emphatize.
“Pag may kailangan silang tulong tumutulong ako, pag may mga eksenang pisikal, gusto kong kausapin yung kaeksena ko dahil hangga’t maaari ayoko nung nananakit.
“Hangga’t maaari kung magagawan naman namin ng paraan na mag-synch kami, mag-coordinate kami, mas maganda lalabas yung eksena na hindi na kailangang magkasakitan talaga.
“So hindi ako yung mataray na co-star na naiinis or napu-frustrate kapag medyo nahihirapan yung co-actor.
"Hindi ako ganun. I’m more motherly.”
ON ACTING WITH THE FAKE LIFE stars
Pagpapatuloy pa ni Tetchie tungkol pa rin sa kanyang mga co-stars sa serye.
“Iba yung dynamics namin dito ni Cindy na ginagampanan ni Beauty. Meron kaming mga frictions, meron kaming mga eksenang hindi kami magkasundo.
“And then with Ariel naman the character of Onats and Sonya masyadong loving naman si Sonya kay Onats kasi si Sonya yung nagpalaki, nag-adopt, naging surrogate mother kay Onats.
“At pati na rin yung mga anak ni Onats na ginagampanan ni Shanelle at ni Carlos, napamahal na rin kay Mama Sonya.
“So iba yung dynamics nung relationship. And of course with Timmy’s character naman na si Mark, naku naha-high blood si Mama Sonya kay Mark, siyempre!
“Team Onats si Mama Sonya, e, so naiinis siya kay Mark.
“It’s interesting to watch all these dynamic relationship and interactions between all the other characters.
“Kailangan panoorin ninyo kasi nakakatuwa yung mga lead stars natin dito and yung mga bagets, may ano sila, iba yung mapapanood ninyong side nila.”
Kasama rin sa The Fake Life sina Rina Reyes bilang si Jean Luna, Saviour Ramos bilang Caloy Luna, Jenny Miller bilang Margaux Nova, at Faye Lorenzo bilang Jai de Castro.
May special participation din sina Bea Binene bilang young Cindy, Kristoffer Martin bilang young Onats, Candy Pangilinan bilang young Sonya, at Jake Vargas bilang young Mark.
