PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon on-off relationship with Elisse Joson

McCoy and Elisse celebrate their anniversary as a couple.
by Arniel C. Serato
Published Jul 4, 2022
McCoy de Leon, Elisse Joson mark anniversary
McCoy de Leon, Elisse Joson share on Instagram their message to each other in celebration of their anniversary as a couple last July 2, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram

Hindi smooth sailing ang takbo ng relasyon nina McCoy de Leon, 27, at Elisse Joson, 26, dahil naging on and off kanilang relasyon.

Nitong nakaraang July 2, 2022, ipinagdiwang nina McCoy at Elisse ang kanilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Madamdamin ang naging mensahe ni McCoy sa partner sa pamamagitan ng Instagram.

Inamin niyang mahirap ang mga pinagdaanan nila kaya nauwi sila noon sa hiwalayan.

Sa kabila nito, nanaig ang kagustuhan nilang ayusin ang kanilang relasyon pero hindi raw ito naging madali.

Lahad ni McCoy, “Nung sinubukan natin ulit noon alam natin na hindi magiging madali.

“Alam natin na marami tayong pagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasama pa rin.

“Tuloy tuloy pa rin ang pag diskubre natin sa isat isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama.”

Dagdag pa ng Kapamilya actor, wala siyang maiaalay na mala-prinsesang buhay kay Ellise ngunit pangako niyang gagawa siya ng paraan para maging maligaya ito sa kanyang piling.

Saad niya, “Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko sayo, gagawa't gagawa ako ng paraan sa abot ng aking makakaya maibigay ko ang kasiyahan mo dahil mahal kita.

“Happy Anniversary sa atin Elisse ko palagi kitang nasa dasal ko promise. I love you [happy emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

“IT’S NEVER EASY BUT I’M THANKFUL”

May pagbati rin si Elisse sa ama ng kanyang anak.

Alam daw niyang hindi madali ang kanilang pagdadaanan sa buhay bilang magkasintahan, pero ipinagpapasalamat pa rin niya ito.

Saad ng aktres, “Always, all ways. Another year of togetherness, growth, and trials.. it's never easy but I'm thankful for all of it.

“Happy Anniversary to us [heart emoji] Mahal kita @mccoydeleon

Sabi pa ni Elisse, nag-advance celebration na sila ni McCoy sa Batangas dahil may trabaho raw sila nitong nakaraang July 2.

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Nagkakilala sina McCoy at Elisse sa set ng sikat na ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart taong 2012 hanggang 2014.

Pero nagkamabutihan sila sa loob ng Bahay ni Kuya dahil kabilang sila sa housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 noong 2016.

Noong 2018, nagkalabuan ang dalawa at inamin nilang naghiwalay na sila noong 2019.

Taong 2020, umingay ang balitang nagkabalikan na ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong October 31, 2021, pasabog ang rebelasyon ng magkasintahan nang isapubliko nilang mayroon na silang baby girl na si Felize McKenzie.

Read: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to baby girl

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon, Elisse Joson share on Instagram their message to each other in celebration of their anniversary as a couple last July 2, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results