Unti-unti nang nagiging bukas sa publiko si Raymond Gutierrez sa relasyon nito sa American boyfriend na si Robert William.
Ngayong Lunes, July 4, 2022, nag-post si Raymond ng twinning picture nila ni Robert sa Instagram.
Halos pareho ang kanilang suot na damit pati na ang kanilang sunglasses.
Ang tanging caption niya ay smiling faces with sunglasses emojis.
View this post on Instagram
Komento naman dito ni Robert ay emojis na black heart, panda face, at llama.

Pinusuan naman ng mga kaibigan ni Raymond ang kanyang post.
Ilan sa kanila ay nagtatanong kung kailan nila makikilala si Robert.
Kabilang sa kanila sina Bubbles Paraiso, Isabelle Daza, Madeleine Humphries, Sarah Lahbati, Liz Uy, Christi Mcgarry, at iba pa.


Unang ipinasilip ni Raymond ang mukha ng kanyang nobyo nitong June 25, 2022 lamang.
Caption niya sa dalawang larawan nila ni Robert na magkahawak-kamay at naghahalikan: “Celebrate your love! Happy Pride, Philippines."
Read: Raymond Gutierrez reveals face of foreigner boyfriend
IN THE FIELD OF LAW
Sa unang pag-amin ni Raymond na mayroon siyang karelasyon, hindi muna niya ito pinangalanan.
Ginawa niya ang rebelasyon sa podcast ni Wil Dasovich.
Read: Raymond Gutierrez admits to having a boyfriend in Los Angeles
Noong June 12 naman, sa kuwentuhan nila ni Dra. Vicki Belo, inamin ni Raymond na ang trabaho ng nobyo ay nasa "world of law."
Sa isang dinner na hinost ng common friend nilang taga-Miami raw sila nagkakilala.
Aniya pa, instant attraction ang naramdaman nila sa isa't isa.
Lahad ng TV host, “I think we had chemistry and, like, you know, the connection was there and that’s not something that you get that quickly and that feeling, you don’t really get it so fast.
“And I’ve met a lot of amazing guys in L.A. but that instant connection was not there, and I think that’s why I stayed single for so long.
"It’s because that’s what I’m looking for… the ease, like, no games. No, like, chasing."
Read: Raymond Gutierrez reveals current boyfriend is "in the world of law"
Opisyal na nag-come out si Raymond bilang proud member ng LGBTQIA community sa isang magazine cover noong August 2021.
Pahayag naman niya kay Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong June 12 din, naramdaman niyang nakalaya siya sa mga nanghuhusga sa kanya noong hindi pa niya tuwirang inamin ang kanyang sexual orientation.
Read: Raymond Gutierrez feels liberated after coming out: "I felt free."
