Hataw kaagad sa trabaho bilang mambabatas ang award-winning actor na si Arjo Atayde ngayong naluklok siya bilang kongresista sa unang distrito ng Quezon City.
Sa kanyang Instagram kahapon, July 1— sa pagsisimula sa trabaho ng mga bagong halal na public servants—ibinahagi ni Arjo ang balita tungkol sa mga panukalang batas na kanyang inihain sa Kongreso.
Una sa mga ito ay ang House Bill 457, na nais gawin ang Lungsod ng Quezon City na “the film & Television Arts Capital of the Philippines.”
Ikalawa ang House Bill 458, na naglalayong i-upgrade ang Quezon City General Hospital at gawing Quezon City General Hospital and Medical Center.
Pangatlo ang House Bill 459, “The Eddie Garcia Bill.”
Layon nitong mabigyan ng “occupational safety and health standards for the workers and talents in the movie and television industry.”
Matatandaang pumanaw ang beteranong actor at director na si Eddie Garcia noong nakaraang June 20, 2019 dahil napatid ng beteranong aktor ang kable ng produksiyon na dahilan ng kanyang pagkabagsak sa semento habang nagti-taping ng upcoming series noon ng GMA na Rosang Agimat.
Read: Legendary actor Eddie Garcia dies at 90
Panglima naman sa inihain ni Congressman Atayde ay ang House Bill 460 o “Anti-SOGIE Discrimination Bill."
Layunin ng panukala na maiwasan ang pambabastos sa lugar ng trabaho dahil lamang sa sexual orientation ng tao.
Panglima ay ang House Bill 461 o “BHW Allowance & Benefits Bill" na nagnanais na magkaroon ng Magna Carta para sa mga Barangay Health Workers.
At pang-anim naman ang House Bill 462 na nais magtaguyod sa pagkakaroon ng Virology Institute ang bansa.
Caption ni Arjo sa kanyang post, “Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte . Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working.”
View this post on Instagram
Umaasa din ang ina niyang si Sylvia Sanchez na maging maayos ang takbo ng trabaho ni Arjo sa Kongreso.
Read: Sylvia Sanchez recalls hurtful words thrown at son Arjo Atayde during the campaign
