PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada asked about showbiz comeback after 2022 elections

Karla estrada says she is now in the waiting game.
by Bernie V. Franco
Published Jul 1, 2022
karla estrada
Karla Estrada after election season: “After [2022 elections] parang wala na, wala ka nang ginagawa."
PHOTO/S: YouTube (KaladKaren)

Ngayong tapos na ang eleksyon, inamin ni Karla Estrada na pinag-iisipan niya ang susunod niyang hakbang.

Naibulalas din niya na may TV network na naghihintay sa kanya.

Si Karla ay tumakbong third nominee ng Tingog Party-list nitong 2022 elections.

Pumangatlo ang naturang party-list ni Karla sa mga nanalo, pero dalawang seats lang sa chamber ang makakapasok.

Hindi nakaabot si Karla dahil siya ang third nominee ng Tingog.

Read: Karla Estrada ecstatic about party-list win; congratulates Rommel Padilla despite his loss

Ang tanong ngayon, ipagpapatuloy na ba ni Karla ang kanyang pagso-showbiz o itutuloy ang mga pagtulong sa kinabibilangang party-list?

"Very early to tell or to say kung ano yung next step, di ba…" ani Karla sa YouTube video ni KaladKaren nitong June 25, 2022.

"But definitely hindi naman tayo puwedeng mawala na sa showbiz dahil karugtong na ng pusod ko iyon."

Thirty years na raw siya sa industriya at balak pa niyang magtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero walang binanggit na specific details ang actress-host ukol sa pagbabalik-showbiz.

Mas nagdetalye naman siya sa vlog ni Cristina Gonzales-Romualdez nitong June 27, 2022.

Kinumusta si Karla pagkatapos ng election season.

Sagot ni Karla, "Parang tumahimik ang mundo ko. Sabi ko, ‘Ano nang nangyayari?’

"After [election] parang wala na, wala ka nang ginagawa.

"'Yun pala, ito yung time na tinatawag nilang transition.

"So, sa transition time after three months of campaigning, parang nakaka-anxiety attack yung feeling."

Hindi raw kasi siya sanay ng walang ginagawa.

Sa puntong ito nabanggit ni Karla na may TV network na naghihintay sa kanya.

Sabi niya, "There’s network that’s just waiting for me na kung okay ako do’n, okay ako dito…”

Hindi binanggit ni Karla ang TV network na tila may offer sa kanya, pero bago ang eleksyon ay highly identified siya as a Kapamilya.

Inamin ni Karla na nang umoo siya sa party-list, ikinonsidera niya ang panandaliang pamamaalam sa showbiz at tumutok sa public service.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, "Hanggang sa oras na ito, nakalutang yung lahat ng plans ko because I still don’t know anong nangyayari pa."

Sundot niya, "But of course, it’s just waiting game.

"Siguro dahil workaholic kasi tayo sobra, hindi lang ako sanay ng walang ginagawa, e, parang isang buwan nang walang ginagawa.

"Nag-a-adjust and patience. Ito yung parte ng buhay ko talagang kailangang lagyan ng maraming maraming pasensiya," sabi ni Karla tungkol sa kanyang susunod na plano.

Kamakailan, napaulat din na magkakaroon ng guest appearance si Karla sa Magandang Buhay para pormal na magpaalam sa show.

Bago ang election, si Karla ay regular host sa Kapamilya daytime talk show kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada after election season: “After [2022 elections] parang wala na, wala ka nang ginagawa."
PHOTO/S: YouTube (KaladKaren)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results