Tatlong araw mula nang i-post ni Kobe Paras, 24, ang travel photos nila ng rumored girlfriend na si Erika Rae Poturnak, 20, noong June 28, 2022, ang dalaga naman ang nagbahagi ng ilang larawang kuha sa kanilang recent trip sa Bali, Indonesia.
Anim na larawan ito.
Una ay picture ng kalangitan. Pangalawa ay larawan ng pagkain.
Sinundan ito ng selfie nilang dalawa na parang nakahigang magkatabi.
Larawan naman ng dagat ang pang-apat, at panglima ang larawan ng parang isang maliit na kalye.
Ang pang-anim na larawan ay nina Erika at Kobe na chill lang sa tabi ng isang swimming pool.
Caption ni Erika ay tatlong emojis ng ulap.
View this post on Instagram
Lizard emoji naman ang tanging komento ni Kobe.

Isang kaibigan nila ang nagkomento ng “cute.”
Sa thread na ito, nagkomento rin ang tila isa pa nilang kaibigan.
Biro nito, “sibling love [heart emoji]” ang makikita sa larawan nina Erika at Kobe.

Sagot ni Erika sa kanya: “@gianhernzzz HAHAHAHAHAH t*ng i*a”
Sinundan pa niya ito ng tatlong rolling on floor emojis.

Marami namang kinilig na netizens sa mga larawan nina Erika at Kobe.


Hindi pa tuwirang inaamin nina Erika at Kobe ang totoong estado ng relasyon nila.
Pero base sa mga larawan nila, mukhang ang pag-amin na lang sa publiko ang kulang para sabihing may relasyon na nga ang dalawa.
Na hindi lamang "sibling love."
RELATED STORIES:
Ina Raymundo’s daughter Erika Rae Poturnak spotted with Kobe Paras
