PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew E. on rumored sports cars after campaigning for BBM-Sara

Did Andrew E. lose friends during the campaign period?
by Jerry Olea
Published Jun 30, 2022
andrew e. bbm sara
Andrew E. on division among celebrities during the campaign season: “‘Excuse me! Bago mag-eleksyon 'yan, nakapagtanim na ako ng magandang kalooban diyan!’ So, walang magagalit sa akin diyan. Lahat 'yan, walang magagalit. Walang magagalit. Maybe yung iba. Pero yung ibang tulad ko, wala.”
PHOTO/S: @andrewe_dongalo on Instagram

Andaming Ormocanon ang nag-abang kay Andrew E. sa culminating concert ng Piña Festival 2022 noong Hunyo 28, Martes ng gabi, sa plaza ng Ormoc City.

“Sobra!” bulalas ni Andrew E sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa Sabroso restaurant ng Carlosta Hotel after the concert.

Hindi magkamayaw ang fans. Ang iingay, lalo na nang ibato ni Andrew E. ang kanyang rubber shoes.

Napabuntong-hininga ang 54-anyos na rapper-comedian, “Sobra, sobra. E, yung pagmamahal kasi. Ang pagmamahal kasi…

“Pero ang magic dun, hindi 'yan yung mga dati. Hindi na nga inabutan yung mga rap ko noon.”

Tatlumpo’t dalawang (32) taon na sa local music industry si Andrew E. 1990 nang sumikat ang kanta niyang "Humanap Ka Ng Panget."

THE CAMPAIGN

Nagkaproblema ang ilalim ng balikat ni Andrew E. noong sinu-shooting niya ang 2021 Vivamax movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! (O Sige!).

Kaya may agam-agam na mahihirapan siyang rumaket sa campaign period ng eleksyon. Pero ngayon, ratsada siya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang fear noon, ang agam-agam ko noon would be yung recuperation period ko sa ano, remember nung naospital ako?” paliwanag ni Andrew E.

“So, hindi pa sapat yung one and a half years. Nasa gitna pa lang ng one and a half years noon.

“So, nung nagsusyuting kami, maybe one year and two months? One year and one month?

“So, yung doktor, kailangang magresibo siya na I’m OK. He is certifying me na puwede akong kumanta, puwede akong magsyuting.

“Kaya nga ang inabot nila sa shooting certificate would be puwede akong dialogue, pero hindi ako puwedeng mag-aksyon.”

Doon sa previous niyang movie na Pakboys Takusa (MMFF 2020) ay wala pang aberya kay Andrew E.

“Yung Pakboys, wala yun! I’m scotch-free. Pero nung ano na, maybe… around, like… last five days ng Sanggano… yun!” pagtangu-tango ni Andrew E.

“Kaya kung mapapansin mo, hindi nag-second round ng movie sa akin ang Viva. Meron pa kasi akong pinirmahan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangang gawin ko yun. But hindi kaya. So… hindi pupuwede. Pero by then, yung campaign would be coming after next.

“So, yun din ang inaalala ko. Kasi siyempre, hanapbuhay ko yun, di ba? So, yun, things like that.”

Kumusta na ang kalusugan niya?

“I’m OK. Eto, dahan-dahan lang ang ano. Maybe nakakapagkondisyon ako. And at the same time, yung allowance ng doktor, lumuluwag nang lumuluwag,” saad ni Andrew E.

Isinaalang-alang niya ang kanyang health condition noong campaign period.

“Alalay, alalay lang. Every day ako sa campaign, pero singing two songs only,” sambit ng beteranong rapper-comedian.

“Ang release paper ng doctor is only two songs.”

WHAT DID HE GET FROM BBM AFTER THE ELECTIONS?

Totoo ba na matapos ang eleksyon, nakabili siya bigla ng dalawang sports car?

Napamulagat muli si Andrew E, “Alam mo ba kung anong nakuha ko kay Bongbong [Marcos]? Tatapatin kita, gusto mo?

“O, ayan, gusto mo? OK, ang nakuha ko kay Bongbong, kapalit ng, you know, pag-campaign… yakap. Embrace.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakita mo? Nakita mo yung embrace, yung picture na kumalat? Yun yun.

“Tell me… tell me anything, tell me anything! Kahit siya ang tanungin mo, tell me anything. Did he give me anything?

“Yakap. Yun para sa akin ang pinaka-dear. Yun ang pinaka-valuable, yung yakap.”

Nag-volunteer lang siya para i-campaign ang nagwaging 17th president ng Republika ng Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No! No! No, no, no! Para hindi kayo mamali ng intindi, kasi talaga maybe ano, backroom end ito, di ba?” pagmumuwestra ni Andrew E.

“Dati kasi… Sara [Duterte], one side. Bongbong, one side. Remember the word ‘Uniteam’? Kaya naging one side together.

“Without Uniteam, the uniteam word and the uniteam team, hindi 'yan maggaganun.

“Which means magpo-promote si Sara, magpo-promote si Bongbong. Leeway. Magkaiba.

“Pero natutupad din yun. May mga pagkakataon na Sara, one way… Bongbong, another way.

“Pero pag Uniteam yung schedule, Sara and Bongbong together. Ako, Sara ako. OK, Sara ako. Pero pag may Uniteam, join ako. Pag may Uniteam.”

CAMPAIGNING FOR SARA DUTERTE

Si Sara ang kumuha sa kanya?

“Hindi kumuha. Ako… way back 2019, tama ba? 2019 bago mag-pandemic, di ba, may senatorial slate ng campaign — Hugpong Ng Pagbabago,” paglilinaw ni Andrew E.

“I am with Sara. Dun pa lang, andun na ako. Alam niyo yun, Amoranto Stadium, andun ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, Hugpong ako, HNP. Now, siyempre nagkataon na Sara and ano, in between, Uniteam.

“So, pag magma-magnetize yung dalawang yun, andun akong banner sa gitna. Pero pag wala, dun ako Sara. Wala ako Bongbong.”

Friends talaga sila ni Sara?

“Duterte pa! 2004! 2004… di ba, ako yung nag-campaign sa kanya para sa mayor?” pahayag ni Andrew E.

“Inampon niya ako for two months. Two months kami campaign every night. Dinner kami every night, kuwentuhan every night.

“Kaya nung sinabi ko yung sa PRRD Pasalamat party, o, i-review mo yung sinabi ko dun.

“Yun yung sinabi ko, totoo yun, hiningi ko si Mayor Duterte sa Davao para dalhin dito sa…

“Hiningi ko yung pahintulot nila, ‘Puwede ba? Para matikman namin yung kasaganaan ninyo. Puwede niyo bang ipahiram ang inyong mayor sa amin? Para matikman din namin yung kasaganaan ninyo sa Davao.’

“Ayaw nilang pumayag.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Once and for all, may sports car na ba siya?

“WALA!!! Wala, hindi totoo yun. Wala, wala! Walang binigay, walang lahat,” pagdidiin ni Andrew E.

“Wala. Kahit saan kong kanto, kahit saan mong anggulo… in fact, gusto mo, pustahan pa natin ng 10 pesos, itong cell phone mo plus ten pesos, i-check mo lahat ng sports car dealer kung may name ko na resibo.”

DID HE LOSE FRIENDS DURING THE CAMPAIGN PERIOD?

Sa campaign ni BBM, nagpakitang-gilas si Andrew E. Sa kampo ni VP Leni Robredo ay napakaraming sikat na artista, pero siya lang ang katapat ng mga ito.

Napakunot-noo si Andrew E, “Galing ako sa mga beauty ninyo, pambihira naman. Ba’t niyo naman pinagdudahan yun? Galing ako sa mga beauty ninyo!”

May mga kaibigan ba siyang nawala sa ngalan ng eleksyon? In-unfriend ba siya ng kapwa celebrities?

Mabilis na tugon ni Andrew E, “Wala naman. Wala naman. Eto yung magic. And I was telling them, everyone. I was telling them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Hey, look! Andrew, ganito, di ba, nahiwalay ka? Ikaw, napunta sa isang side. Silang lahat, napunta sa kabilang side. E, di, paano 'yan? Galit-galit na kayo?’

“‘Excuse me! Bago mag-eleksyon 'yan, nakapagtanim na ako ng magandang kalooban diyan!’

“So, walang magagalit sa akin diyan. Lahat 'yan, walang magagalit. Walang magagalit.

“Maybe yung iba. Pero yung ibang tulad ko, wala.”

Matapos mag-eleksyon, nagpalitrato pa silang magkasama ng kakampik na si Pokwang nang magtagpo sila sa Boracay.

Read: When Pokwang meets Andrew E. by chance in Boracay after election: "Sa bandang huli, respect."

“Yung dalawang table, nagkaganunan bigla,” pagbabalik-tanaw ni Andrew E. with matching mulagat.

“Akala ko nga, sasabunutan ako ni Pokwang, di ba?!”

May resort sila sa Boracay, di ba?

Tumango si Andrew, “Yeah, yeah, yeah. Nagkataon na nandun sila dun sa resort and kasama niya, family niya.

“And I enjoyed her daughter. Kasi yung daughter niya, masyadong matalino. Biba!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew E. on division among celebrities during the campaign season: “‘Excuse me! Bago mag-eleksyon 'yan, nakapagtanim na ako ng magandang kalooban diyan!’ So, walang magagalit sa akin diyan. Lahat 'yan, walang magagalit. Walang magagalit. Maybe yung iba. Pero yung ibang tulad ko, wala.”
PHOTO/S: @andrewe_dongalo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results