May face reveal na ang foreigner boyfriend ni Raymond Gutierrez.
- Raymond Gutierrez admits to having a boyfriend in Los Angeles
- Raymond Gutierrez reveals current boyfriend is "in the world of law"
Ngayong Sabado, June 25, 2022, nag-post si Raymond ng couple photo nila ng nobyo niyang nagngangalang Robert William.
Ito ang unang beses na pinangalanan at ipinakita niya sa publiko ang karelasyon.
Sa unang litrato, magka-holding hands sila habang naglalakad sa tabing-dagat.
May ilan pa silang litrato na magkayakap at magkahalikan.
"Celebrate your love! Happy Pride, Philippines," saad sa caption ni Raymond.
RAYMOND GUTIERREZ'S BOYFRIEND IN THE FIELD OF LAW
Noong June 1, 2022, sa podcast ni Wil Dasovich unang isinapubliko ni Raymond ang pagkakaroon ng karelasyon.
Sa hiwalay na kuwentuhan nila ni Dra. Vicki Belo noong June 12, ikinuwento ni Raymond na ang trabaho ni Robert ay nasa "world of law."
Nagkakilala raw sila sa isang dinner na hinost ng common friend nilang taga-Miami.
Instant attraction daw ang naramdaman nila sa isa't isa.
Bahagi ng pahayag ni Raymond: "I think we had chemistry and, like, you know, the connection was there and that’s not something that you get that quickly and that feeling, you don’t really get it so fast.
“And I’ve met a lot of amazing guys in L.A. but that instant connection was not there, and I think that’s why I stayed single for so long.
"It’s because that’s what I’m looking for… the ease, like, no games. No, like, chasing."
Opisyal na nag-come out si Raymond bilang proud member ng LGBTQIA community sa isang magazine cover noong August 2021.
