Sa unang pagkakataon, nasilayan ang sweet moment sa pagitan ng rumored couple na sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos.
Nagdiwang si John Lloyd ng kanyang ika-39 kaarawan kahapon, June 24, 2022.
READ: Vhong Navarro ribs Ruffa Gutierrez about ex-boyfriend John Lloyd Cruz
READ: A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
May taping ang aktor ng Happy ToGether, ang blocktimer sitcom na pinagbibidahan niya sa GMA-7.
Pero present si Isabel, 31, sa set ng show.
Sa Instagram post ni Jayson Gainza, co-star ni John Lloyd, makikita ang ilang video at photos na kuha sa birthday celebration ng premyadong aktor.
May dalang birthday cake si Isabel habang kumanta ng "Happy Birthday" ang cast at staff ng show.

Kita ang ligaya sa mukha ni John Lloyd nang hipan niya ang birthday candle, sabay binigyan ng halik sa pisngi ang rumored girlfriend na si Isabel.
Kinilig ang co-stars ni John Lloyd na napahiyaw pa nang makita ang sweet kiss ng couple.
Kasama rin sa okasyon si Elias, ang anak ni John Lloyd sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Mula noong September 2021 usap-usapan ng netizens ang napansin nilang ugnayan nina John Lloyd at Isabel.
Hindi nakaligtas sa netizens ang ilang pagkakataong nag-post si Isabel ng mga litrato ni John Lloyd.
Kasama rin ni John Lloyd si Isabel nang mag-Christmas party ang kinabibilangang talent management ng aktor, ang Crown Artist Management, noong December 2021.
Minsan na ring nag-post si Isabel ng litrato nina John Lloyd at Elias na namamasyal sa tabing-dagat.
Hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni John Lloyd hinggil sa hinihinalang relasyon nila ni Isabel.
