Isang nakatutuwang interaksiyon ang naranasan ng isang fan mula kay Gelli de Belen, 49, at asawa nitong si Ariel Rivera, 55.
Sa Instagram nitong nakaraang Miyerkules, June 22, 2022, nagbahagi si Ariel ng throwback photo nila ni Gelli noong mga binata at dalaga pa lamang sila.
Caption ni Ariel: “Really missing this one... [broken heart emoji]”
View this post on Instagram
Nagkomento si Gelli rito.
Sabi niya sa asawa: “Honeyyyy [crying emoji]”
Dagdag pa ni niya, “@rivera.arieljose missing you too”

May isang fan ni Gelli na nagkomento sa thread na ito.
Sabi ng netizen, sinusubaybayan talaga niya ang karera ni Gelli mula noon hanggang ngayon.
Pati ang mga dating programa na kinabilangan ni Gelli gaya ng Ober Da Bakod (1992-1997, GMA Network), Tropang Trumpo (1994-1998, ABC-5), at Mana-Mana (1993, ABS-CBN).
Ayon sa netizen, noon daw ay gusto niya ang tambalan ng aktres kay Raymart Santiago. Pero okay na raw sa kanyang si Ariel ang nagwagi sa puso ng aktres.
Buong komento ng netizen: “@gellidebelen [happy emojis] idol since then.. over da bakod as honey grace,.. tropang trumpo and mana-mana...
"that time Ikaw lang ata Yung actress na all around.. NASA mga networks ng 2, 7 and 5 [happy faces, clapping hands emojis]... love you idol... kahit dati.. Raymart-Gelli ako...
"then unti unti naging news kayo ni Ariel ...naghiwalay kayo [sad emoji] ...pero wagi ka parin sa love Nia. God bless always sa family nio.”
Namangha naman si Gelli dahil nasubaybayan daw talaga ng netizen ang kanyang buhay sa showbiz.
Sabi niya rito, “@stephaniepare98 grabe, galing mo”

Mukhang natuwa naman ang netizen dahil sinagot siya ni Gelli.
Sinabi rin ng netizen ma may mga koleksiyon pa siyang magazines na nasa cover sina Gelli at Ariel.
Pero nalulungkot daw siya dahil na-meet na niya si Ariel at anak na si Joaquin Rivera, pero hindi pa daw niya na-meet si Gelli.
Nasubaybayan daw niya si Gelli noon bilang "Viva baby" at maging ang tambalan nito kay Raymart.
Sabi nito ulit, “@gellidebelen ofcourse idol.. Basta sa mga magazines.. andoon ka Lalo at kayo ni Ariel.. kilig ako at buy agad.. kaya may mga magazines pa ako about you both...
“I even watch your hubby show here in casino Angeles.. and he autographed one with your baby then Joaqui..kaya precious collections ko Yun.. but then ..Ikaw never pa kita nakita in person ..
“actually orig Flordeluna fan ako at siempre.. noong Ikaw Naman Ang sumikat.. as Viva baby.. Basta Raymart-Gelli.. the best.”

Dating magkarelasyon sina Gelli at Raymart noong teen stars pa lang sila sa Viva Film.
Napansin naman ng netizen na hindi sa account ni Gelli ito nagkomento kundi sa mismong post ni Ariel.
Bawi nito, “@gellidebelen naku.. post Po Pala ni sir Ariel ito.. ARIEL -GELLI NA SIEMPRE FOREVER.”
Sumagot naman si Ariel sa netizen.
Sabi ni Ariel sa fan ng asawa, “@stephaniepare98 no worries. I'm not the jealous type [smiling emoji]”

Dalawampu't apat (24) na taon na ang pagsasama nina Ariel at Gelli bilang mag-asawa.
Mayroon silang dalawang anak na lalaki: sina Joaquin at Julio Rivera.
