PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis on showbiz people who got mad over MFF 1994 scam

"Hanggang ending, inamin ko yun. Wala akong idinamay… Wala akong idinamay!"
by Jerry Olea
Published Jun 22, 2022
lolit solis manila film festival 1994 scam
Lolit Solis: “Medyo naiirita lang ako sa mga hindi ko kakilalang nagagalit, nagre-react na, ‘Bakit?!’ Yung ganun. May ninakaw ba ako sa inyo? E, kasi, wala namang involved na pera. Wala namang ano. Dapat siguro, ang magalit sa akin nang husto… si Gabby, si Edu, si Aiko… matatanggap ko, di ba, kung alipustain ako."
PHOTO/S: Jerry Olea

First death anniversary ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hunyo 24, Biyernes.

Sa araw na iyon ay ipagdiriwang nina Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz at Juan Carlos Castro ang kani-kanyang kaarawan.

Hunyo 24 din isine-celebrate ang kapanganakan ni San Juan Bautista, at ang Araw ng Maynila.

Ayon sa Wikipedia, “The Spanish city of Manila was founded on June 24, 1571, by Spanish conquistador Miguel Lopez de Legazpi.

“This is regarded as the city’s official founding date…”

Pinasimulan ng dating mayor ng Maynila na si Mayor Antonio Villegas ang Manila Tagalog Film Festival noong Hunyo 14-24, 1966, kung saan Pinoy movies lamang ang ipinalabas sa mga sinehan ng lungsod.

Ginanap taun-taon ang Manila filmfest hanggang 1974.

Noong 1975 ay pinalitan ito ng expanded na Metropolitan Film Festival, na naging Metro Manila Film Festival umpisa 1977. Naging tradisyon ito tuwing Kapaskuhan.

Ni-revive noong 1990s ang Manila Film Festival, pero ilang taon lang ito ginanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasaysayan ng local showbiz, yumanig ang 1994 Manila Film Festival Scam, kung saan inihayag ng presenters na best actor at best actress sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez, respectively, para sa pelikula nilang Loretta.

Ang umakong mastermind ng scam ay ang manager noon ni Gabby na si Lolit Solis.

Si Lolit ang talent coordinator para sa nasabing awards night na ginanap noong Hunyo 22, 1994 sa Ramada Hotel ng Manila — dalawampu’t walong (28) taon na ang nakaraan.

Binansagan noong "Filmfest Seven" sina Lolit Solis, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion, Rocky Gutierrez, Viveka Babajee, at Nanette Medved.

“Magkaibigan pa rin kami ni Annabelle, kaya OK kami ni Ruffa,” sambit ni Lolit sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Hunyo 21, Martes, sa SuperSam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

NANETTE MEDVED

Sina Ruffa Gutierrez at Nanette Medved ang presenters para sa best actor ng Manila Film Festival 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihayag nila na ang winner ay si Gabby Concepcion, sa halip na si Edu Manzano para sa pelikulang Zacarias.

Masaya si Lolit para kay Nanette kung paano ito bumangon pagkatapos malugmok ang career dahil sa 1994 MMF Scam.

“Very proud!” bulalas ni Lolit.

“Ang hindi ko naisip… kasi si Nanette, hindi siya showy. Hindi siya ano.

“Sa mga alaga ko, baka naman dahil din hindi ako masyadong intimate sa kanya or whatever.

“Pero siya ang hanggang ngayon na alaga ko, pag Pasko at saka birthday ko, hindi nakakalimot.

“Ano na siya, ha, Nanette Po! Di ba?! Dahil dyowa na ni Chris Po, di ba?! Talaga! Talagang ano siya talaga!

“Regularly, meron akong birthday gift. Kahit na anu-ano lang yun, di ba? Dalawang box ng Century Tuna. Di ba, luka-luka si Nanette?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Si Nanette, ang unang-unang natanggap ko na birthday cake diyan, cupcake.

“Dumating talaga. Talagang sabi ko, ‘Ito ang birthday gift niya sa akin?’ Inisip ko, baka nasa loob… may singsing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Day! Dinurog ko talaga ang cupcake… waley! Diyos ko, akala ko talaga, may singsing sa loob. Dinurug-durog ko talaga, baka may nakaipit na bracelet.

“Waley! Kaloka talaga!”

Nakabangon ang halos lahat ng personalidad na nalugmok sa 1994 MFF Scam.

“Sa lahat sa kanila, na-shock ako, saka sa character ni Nanette,” pakli ni Lolit.

“Si Nanette, dahil bold star nun, akalo ko... magiging prostitute na, di ba?

“And yet, anong ginawa niya? Nag-aral. Dahil nag-aral siya, na-meet niya si Chris po. Taipan. Di ba, imagine-in mo?

“Kaya dun mo makikita ang strength ng karakter ng tao. Kaya dun ako proud na proud kay Nanette.”

EDU MANZANO & AIKO MELENDEZ

Ang totoong best actor ng MFF 1994 ay si Edu Manzano para sa pelikulang Ismael Zacarias, na idinirek ni Toto Natividad.

Co-stars ni Edu sa Ismael Zacarias sina Plinky Recto, Eddie Gutierrez, Roi Vinzon, Ramon Christopher, at Jaime Fabregas.

zacarias poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Edu Manzano, sabi niyang ganun talaga…” pag-iling-iling ni Lolit.

“Ever since kahit noon pa, sabi ko, ‘Doods, sorry, ha? Akala ko kasi, si Richard Gomez ang mananalo. Ikaw pala!’

“Kasi, ayaw kong manalo noon si Richard dahil siya ang direct na kalaban ni Gabby.

“Sliding na noon si Gabby, e. Parang palaos. Kaya naisip ko yun. Akala ko, ‘Naku, tatalbugan na naman si Gabino!

“Yun naman pala, si Edu ang winner. Kasi, kung si Edu, wala, di ba? Pareho naman sila ni Richard na loser.”

Si Richard ang leading man ni Aiko sa Maalaala Mo Kaya: The Movie, na idinirek ni Olivia M. Lamasan.

maalaala mo kaya the movie poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Richard at Aiko ay parehong alaga noon ni Douglas Quijano, ang kakontemporaryo at matalik na kaibigan ni Lolit. “

Si Aiko, na-appreciate ko talaga yung, ‘Tita Lolit, wala yun.’ Kasi, alaga naman yun ni Douglas,” malumanay na wika ni Lolit.

“Kaya sabi ni Douglas, nanghingi na lang sana siya ng award.”

LITO & KIM ATIENZA

Dalawampu’t walong taon naang lumipas, ngunit wala pa ring itinuro si Lolit na mga kasapakat sa pagmamaniobra ng makasaysayang filmfest fiasco.

“Hanggang ending, inamin ko yun. Wala akong idinamay… Wala akong idinamay! Inamin ko, akin lahat-lahat,” pagdidiin ni Manay Lolit.

“Nilapitan ako ni Rene Saguisag sa isa sa mga hearing sa Manila City Hall.

“Sabi niyang ganun, ‘I’m so proud of you. Masarap kang kaibigan.’

“Sabi niyang ganun, ‘Proud na proud ako sa 'yo, wala kang idinamay! Imposibleng magawa mo na ikaw lang!

“‘You didn’t go to the stage. You didn’t read anything. Pero ikaw ang umamin ng lahat!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging kaibigan ni Manay Lolit ang mag-amang Lito at Kim Atienza, na noon ay vice mayor at konsehal ng Maynila.

Pagtikwas ng kilay ni Lolit, “At naging ano ko pa, ‘no, hina-handle-handle ko pa si Papa Lito, ‘no?!

“Dun siya yung anung-ano sa akin nun, ha?! Di ba, kasi, nung aamin na ako… yung aamin ko na sa hearing, magpi-plead akong guilty…

“Naku! Ayaw ni Mayor Lim. Sabi ni Mayor Lim, ‘Naku, baka ano yan! Drama lang niya yan chu-chu! Baka kung anong sabihin niyan!’ Chu-chu-chu-chu! Ayaw niya!

“Si Lito Atienza lang ang andun, talagang… ‘Oo nga! Dapat huwag na natin siyang papuntahin siya diyan sa City Hall!’ Chu-chu-chu-chu!

“Di ba? Siya ang galit na galit sa akin! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Nung binabatu-bato ako sa City Hall, si Kim ang nagturo sa akin ng secret passage way.

“Kaya noon pa, type ko na si Kim. Talagang grateful ako sa ginawa niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alfredo lim lito atienza ruffa gutierrez

MOTHER LILY MONTEVERDE

Hindi pa uso noon ang cellphone, internet, at social media, pero na-bash na si Lolit nang bonggang-bongga ng mga tao. Galit na galit sa kanya ang mga tao noong pumunta na siya sa Manila City Hall. May placards pa ang iba.

“At di ba, sa Greenhills nag-iistambay noon ang mga taga-showbiz? Sa Bistro Lorenzo,” paggunita ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After ng scam, pag papasok ako, lahat ng customer, umaalis!

“Oo! Oo! Pati mga taga-showbiz, umaalis. Kaya sabi sa akin ni Douglas, ‘Huwag kang pupunta pag hindi ako kasama!’

“Pag kasama ko si Douglas sa Bistro Lorenzo, may mga umaalis pa rin na kustomer, pero yung mga taga-showbiz, behaved!

“Tapos, si Ethel Ramos, may ano. Wala dapat PMPC [Philippine Movie Press Club] na lalapit sa akin.

“E, paano kang hindi lalapit pag nasa table ko si Douglas?! Wala silang magawa. Naku, irita si Ethel Ramos kay Douglas.”

Kapag naaalala niya ang 1994 Manila Film Fest Scam, meron pa rin bang kirot? O ano na lang ang naiwan?

“Wala! Kasi ako, talagang aminado ako na ako ang gumawa!” mabilis na tugon ni Manay Lolit.

“Yun ang consequence, ang magalit sa 'yo ang tao. Kaya yung mga nagalit sa akin, hindi ako nagalit.

“Medyo naiirita lang ako sa mga hindi ko kakilalang nagagalit, nagre-react na, ‘Bakit?!’ Yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May ninakaw ba ako sa inyo? E, kasi, wala namang involved na pera. Wala namang ano.

“Dapat siguro, ang magalit sa akin nang husto… si Gabby, si Edu, si Aiko… matatanggap ko, di ba, kung alipustain ako.

“Pero yung iba na ano, hindi, di ba? What mattered that time to me, yung reaction ng mga taga-showbiz.

“Kasi, ito ang pamilya ko, e. Kaya yung nagalit sa akin na mga taga-showbiz, I understand.

“Siyempre, naisip nila, nagbigay ako ng ano sa showbiz, di ba? Talagang…

“Si Mother Lily nga, ‘Potah ka, Lolit! Ikaw ang dahilan kung bakit bumagsak ang showbiz, ‘no?! Potah ka, humina-hina ang pelikula dahil sa ‘yo!’

“Di ba, maaano mo yun? Pero alam mo, andun si Mother to support you. OK lang yung ibang magalit na hindi ko naman kilala.”

STARTALK

Si Gabby lang ang umalis sa poder ni Manay Lolit dahil sa 1994 MFF Scam.

“Ang talagang pinakaano ako nun, si Bong [Revilla] at saka si Rudy [Fernandez],” pagtatapat ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi talagang that time, medyo ano pa yung ganun ni Rudy. Kasi, presidente siya ng Actors’ Guild, di ba?

“E, gusto ng ibang mga artista, siguro yung mga galit din sa akin, ipa-ban ako sa showbiz. Ipa-ban ako.”

Persona non grata!

“Oo, ‘Day! Kaya itinatag ang PAMI [Professional Artists Managers, Inc.]! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Manay Lolit.

“Proteksiyon ng mga alaga nila! Ha! Ha! Ha! Dahil kailangan, mawala si Lolit! Ha! Ha! Ha! Pero ang nangyari, naging member pa ako ng PAMI! Ha! Ha! Ha!

“Yun ang ano, e. Parang… proteksiyon ang PAMI para sa mga alaga nila dahil parang binigyan ko talaga ng bad image ang managers.

“Ang cute nga, e! Talagang lesson learned.”

Andaming twists and turns ng 1994 MFF Scam.

Oktubre 8, 1995, naging host si Manay Lolit ng showbiz-oriented talk show ng GMA 7 na Starlk, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Nawala sina Kris at Boy sa Startalk, at kung sinu-sinong co-hosts ang pumasok, pero nanatili roon si Manay Lolit hanggang matigbak ang programa noong Setyembre 12, 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko talagang tanggapin ang Startalk. ‘Ayoko, Tito Al!’ Si Al Quinn ang ano nun,” lahad ni Manay Lolit.

“Sabi ni Tito Al, ‘Lolit, hindi ka nila papanoorin as host. Papanoorin ka nila as celebrity. Na any moment, kung anong kagagahan ang sasabihin. Exciting celebrity ka!’

“Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Kasi, huwag mo nang ilusyuning magiging host ka!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

SURVIVING THE MFF 1994 SCAM

Gusto nang mamatay ni Lolit noong kasagsagan ng 1994 Manila Film Fest Scam. Gusto niyang mag-suicide. Pero naka-survive siya.

Noong Mayo 20 ay nagdiwang siya ng ika-75 kaarawan.

Marami-rami sa showbiz personalities na may konek kay Lolit o sa 1994 MFF Scam ang pumanaw na.

Ang alaga ni Lolit na si Rudy Fernandez ay pumanaw noong Hunyo 7, 2008 dahil sa kanser.

Ang daddy ni Gabby Concepcion na si Rollie Concepcion ay namatay noong Setyembre 23, 2008 dahil sa heart attack.

Ang tagapagtanggol at matalik na kaibigan ni Lolit na si Douglas C. Quijano ay sumakabilang-buhay noong Hunyo 13, 2009 sa bahay-bakasyunan nito sa Lucban, Quezon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Hunyo 25, 2010 ay natagpuang patay si Viveka Babajee sa kanyang tahanan sa Mumbai, India. Ayon sa police reports, nag-suicide si Viveka dahil sa depression.

Iyong famous words ni Viveka na “Take it! Take it!” ay inangkin ni Lolit.

Ang direktor ng pelikulang Loretta na si Mel Chionglo ay pumanaw noong Setyembre 21, 2019.

Ang dating mayor ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim ay pumanaw noong Agosto 8, 2020 matapos mag-positive sa COVID-19.

Ang beteranong TV director na si Al Quinn ay pumanaw noong Oktubre 24, 2020 sa edad na 86.

Ang direktor ng pelikulang Ismael Zacarias na si Toto Natividad ay pumanaw noong Abril 27, 2021 dahil din sa complications kaugnay sa COVID-19.

RELATED ARTICLES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis: “Medyo naiirita lang ako sa mga hindi ko kakilalang nagagalit, nagre-react na, ‘Bakit?!’ Yung ganun. May ninakaw ba ako sa inyo? E, kasi, wala namang involved na pera. Wala namang ano. Dapat siguro, ang magalit sa akin nang husto… si Gabby, si Edu, si Aiko… matatanggap ko, di ba, kung alipustain ako."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results