PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alora Sasam on KathNiel 10th anniversary vacation in Thailand

Alora: "Mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan."
by Arniel C. Serato
Published May 30, 2022
Alora Sasam shares details of KathNiel's vacation in Thailand
Alora Sasam (not in photo) on Thailand vacation with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (in photo): “Pasensya na sa storbo sa trip niyo. May mga bagay na di natin inaasahan. Hiyang-hiya ako pero sana nakabawi ako sa mga photos niyo. Ok lang kung ayaw niyo muna akong makita.”
PHOTO/S: Courtesy: @bernardokath on Instagram

Ibinahagi ng komedyanteng si Alora Sasam ang ilan sa mga naobserbahan niya sa malapit na kaibigang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang bakasyon sa Thailand kamakailan.

Si Alora ang nagsilbing “third wheel” sa 10th anniversary celebration ng magkasintahan sa Chiang Mai, Thailand

Kahapon, May 29, 2022, nag-post si Alora sa Instagram ng open letter tungkol sa tinagurian niyang “Team Good souls” na sina Daniel at Kathryn.

Kahit nasabi na raw ni Alora ang lahat ng gusto niyang sabihin sa isang sulat, nais niya itong dagdagan ng pasasalamat.

Ito raw kasi ang unang pagkakataon niyang makabiyahe sa Thailand.

Tingin daw ni Alora, istorbo siya sa bakasyon ng dalawa, pero baka makabawi siya sa kanyang mga kuhang larawan sa dalawa kahit hindi siya palagiang nakakasama sa pictures.

Saad ni Alora, “Nasabi ko na gusto kong sabihin sa letter. Dagdagan ko na lang ng daghang salamat at pasensya.

“Daghang salamat kaayo sa Thailand experience. First time ko sa Thailand at di ko akalain si Mami ang makakasama ko at lalo naman ang Kathniel!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pasensya na sa storbo sa trip niyo. May mga bagay na di natin inaasahan. Hiyang-hiya ako pero sana nakabawi ako sa mga photos niyo. Ok lang kung ayaw niyo muna akong makita.”

NOT LIKE POPULAR CELEBRITIES

Ikinuwento rin ni Alora ang tungkol sa kanilang tour guide sa Thailand na nagngangalang Beer, na hindi makapaniwalang sikat na superstars sa Pilipinas sina Kathryn at Daniel.

Napaka-down to earth daw kasi ng dalawa at sabay na pinapakain sa kanila si Beer at may pa-take out pa para sa karelasyon nito.

Lahad ni Alora, “Chika ko na lang din ano sinabi ni Beer sa akin habang pinagmamasdan kayo magka-holding hands at binibiro ni Dj si Kath na uwi siya sa hotel at matutulog habang lambing na sisimangot si Kath sabay sabing 'Sige Daniel…'

“Hindi raw makapaniwala si Beer na superstars kayo sa Pinas. Napaka-normal niyo daw. Sabi ko yes, very down to earth.

“Hindi siya makapaniwala na ang mga pasahero niya ay napakasikat na loveteam sa Pinas pero nakikipagbiruan sa kanya. Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bumilib siya dahil isinabay siya kumain sa hapagkainan at may pa take-out pa damay ang jowa niya.”

Isa pa raw ikinagulat ng kanilang tour guide ay ang pagpapahalaga ni Daniel sa mga hayop dahil ayaw nitong magtagal sila kapag nagpapa-selfie sa elepante.

Masaya naman si Alora na sila ang naging unang Pinoy clients ni Beer dahil naging maganda ang impression niya sa mga Pilipino.

Aniya, “Na amaze siya gaano niyo pinahahalagahan ang elephants. Dagdag ko nga dapat mabilis lang ang kilos pagkuha ng pics kasi ayaw ni DJ na mahirapan ang elephants. Na ang sarap pakinggan ng mga kwento at paglalahad niyo ng pagmamahal sa kalikasan. Mga huwarang anak talaga kayo ni Min at Karla.

“For sure nagulat nanaman yun si Beer dahil paghatid niya sa atin sa airport, walang pagdadalawang-isip na niyakap niyo siya. Proud akong tayo ang first Filipino clients niya at maganda ang unang opinyon niya sa atin mga Pinoy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan. Uulitin ko, mahal ko kayong dalawa. Happy 10th.

“Nagmamahal, Alorskieee (ang pinapauwing third wheel, sorryna)”

View this post on Instagram

A post shared by alora sasam (@alorskieee)

Ipinagdiwang nina Daniel at Kathryn ang kanilang sampung taong anibersaryo bilang magkasintahan noong May 25.

Read: Kathryn Bernardo on 10th anniversary with boyfriend Daniel Padilla: “True love exists.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alora Sasam (not in photo) on Thailand vacation with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (in photo): “Pasensya na sa storbo sa trip niyo. May mga bagay na di natin inaasahan. Hiyang-hiya ako pero sana nakabawi ako sa mga photos niyo. Ok lang kung ayaw niyo muna akong makita.”
PHOTO/S: Courtesy: @bernardokath on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results