Hindi pahuhuli si Ice Seguerra, 38, kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, 24, pagdating sa karanasan sa beauty pageant.
Iyon nga lang, kiddie beauty pageant na Little Miss Philippines ang sinalihan ni Ice na noo'y kilala bilang Aiza Seguerra.
Kuwelang inihirit ito ni Ice nang magkrus ang landas nila ni Celeste at pati na rin ni Miss Universe Philippines Tourism 2022 Michelle Dee.
Sa Instagram post ni Ice ngayong Sabado, May 28, 2022, ipinakita niya ang litrato nilang tatlo na kuha sa tanggapan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kunsaan chairman ang misis ni Ice na si Liza Diño.
Nakapamaweng pa si Ice tulad ng signature pose niya noon sa Little Miss Philippines.
Sabay caption niya, "Ms Universe Philippines × Little Miss Philippines."
ICE'S STINT AT LITTLE MISS PHILIPPINES
Fourth runner-up si Aiza sa Little Miss Philippines segment sa noontime show na Eat Bulaga! noong 1987.
Patok ang natural charm ni Aiza lalo na sa impromptu na kulitan nila nina Vic Sotto at Joey de Leon sa Q&A portion ng segment.
Hanggang ngayon ay mapapanood sa YouTube ang hirit ni Aiza na mas gusto niyang manalo ng bus kaysa kotse, pati na ang pag-greet niya ng kiss kay Vic noon.
Doon sumikat si Aiza bilang child star at bumida sa mga pelikula bago ito nakilala kinalaunan bilang magaling na singer.

ICE'S SEXUAL ORIENTATION
August 2007 nang unang mag-come out si Ice bilang lesbian.
Sa panayam ng Showbiz Inside Report noong 2012, bata pa lang siya ay ramdam na niya ang kanyang sexual orientation dahil sa eskuwela ay napansin niyang "kinikilig" siya sa girls kaysa sa boys.
Hindi naging madali ang pag-amin niya noon sa mga magulang, pero malaking bagay raw kay Ice na tinanggap at sinuportahan siya ng pamilya sa kanyang sexual orientation.
Taong 2014 nang linawin ni Ice na sa kanyang process of self-discovery ay napagtanto niya na ang kanyang gender identity ay trangender man.
Inulit niya iyon noong 2017 at pinaalalahanan ang mga taong di masyadong nakakakilala sa kanya na iwasan siyang tawaging "ATE, TITA, SIS, NINANG, SENYORA, MA'AM, AT MADAME."
READ: Aiza Seguerra reiterates gender preference: "I am a TRANSGENDER MAN."
