Mariing pinabulaanan ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo na mayroon siyang anak sa pagkadalaga.
Nag-ugat ito sa komento ng isang netizen sa post niya sa Instagram noong May 25, 2022, kung saan binati ni Bianca ang pamangkin ng nobyong si re-elected Senator Sherwin Gatchalian sa ika-16 kaarawan nito.
Mensahe ni Bianca sa kanyang post: “So very thankful, Incredibly grateful, Unbelievably blessed, Navine’s sweet 16 [smiling face emoji] Sherwin’s niece”
View this post on Instagram
Isa namang netizen ang tila nalungkot sa kanyang post.
Komento nito: “May anak na pala sya [sad face emoji]”
Sinagot ito ng isa pang netizen: “ahaha basa din ang caption [laughing in tears emoji]”

Nabasa marahil ng beauty queen-turned-actress ang nasabing komento kaya kaagad niyang nilinaw ang tungkol dito.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, sinabi ni Bianca na tuwing nagpu-post sila ni Senator Gatchalian ng larawang may kasamang bata ay palaging napagkakamalang anak ng isa sa kanila ang mga ito.
Aniya, "Okay guys. Just to set things straight and clear. Every time Sherwin and I will post a photo with a child, either he or she is his or my nephew or niece. Our genes are so strong, and we can't deny that."
Diin ni Bianca: "Wala po akong anak sa pagka-dalaga at wala rin pong anak si Sherwin sa pagka-binata.”

Ilang taon nang magkarelasyon sina Bianca at Senator Gatchalian, pero wala pang linaw kung kailan sila magpapakasal.
Sa panayam ng Cabinet Files sa mambabatas noong October 2021, sinabi nitong papag-usapan pa nilang mabuti ni Bianca ang mga bagay na ito.
Pahayag ni Senator Gatchalian, “Wala akong maibibigay na definite date. Ang aking pananaw diyan, of course, it’s in God’s time.
“Pag-uusapan namin na mabuti kung ano yung pinakamagandang oras for both of us. This is a mutual decision, so in God’s time. Wala akong maibabalita na definite day.”
Read: Sherwin Gatchalian-Bianca Manalo wedding, wala pang definite date
