Break na ang volleyball star na si Alyssa Valdez at ang basketball star na si Kiefer Ravena pagkatapos ng anim na taong relasyon.
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong araw, May 26, 2022, kinumpirma ng VMG Asia management ang breakup ng dalawang sikat na sports personalities.
Nilinaw naman nilang walang involved na third party sa breakup nina Alyssa at Kiefer kaya't nakiusap sila sa publiko na huwag gumawa ng maling kuwento at magpalakat ng maling impormasyon.
Nais din daw ni Alyssa na gawing pribado ang usaping ito.
Nakasaad dito: “A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party.
“Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.”
Nagpasalamat din ang VMG sa patuloy na suporta ng fans ni Alyssa sa loob ng maraming taon.
“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her.
“This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding.”
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ni Alyssa ang statement na ito sa kanyang Instagram Stories.
Sabi niya sa caption: “please avoid making up stories & spreading false rumors. thank you for all the love.”

Maging ang sports anchor at dating volleyball player na si Gretchen Ho ay kinumpirma ang breakup nina Alyssa at Kiefer sa pamamagitan ng Twitter.
Sa kasalukuyan ay pareho pang naka-follow sa isa’t isa sina Alyssa at Kiefer sa Instagram.


Wala pang pahayag ang kampo ni Kiefer ukol dito.
May 2016 naging opisyal na magkarelasyon sina Alyssa at Kiefer.
