"Fake news."
Ito ang paniniguro ni Chie Filomeno nang hingan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon sa kumakalat na parking-lot scandal diumano nila ni Zeus Collins.
Read: Chie Filomeno to basher claiming actress has sex video: “Dali send mo sa akin."
Si Chie ay Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate at dating bahagi ng all-female group na GT o GirlTrends.
Si Zeus ay Pinoy Big Brother: 737 housemate at dating miyembro ng all-male group na Hashtags.
Nabuo ang GT at Hashtags sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Ayon kay Chie, walang basehan ang isyung ito na kumalat sa social media platforms.
Pahayag niya, "Ang tagal-tagal na ng issue na iyan. Nakakalungkot lang kasi yung tao, ang source nila, like, of news ngayon ay Facebook and TikTok.
"Wala naman ano kung mag-Facebook o TikTok, okay lang naman, pero know your information and alamin niyo naman kung totoo ba ito o hindi."
Hindi man lang daw inisip ng mga nagpakalat ng isyu na may kasintahan si Zeus na si Pauline Redondo, at na-engage pa ang couple sa Star Magic All-Star Games.
Patuloy ni Chie, "Saka bakit naman namin gagawin yun? May girlfriend yung tao.
"Ang malungkot kasi may nadadamay na tao, yun lang ang malungkot talaga.
Diin pa niya, "Guys, fake news."
Kuwento pa ni Chie, pinagtawanan lang nila ni Zeus ang isyu nang makapag-usap sila tungkol dito.
"Ang tagal na, like years ago pa, as in tinatawanan nga lang namin kasi yung mga tao. They make a big deal out of it na alam mo namang hindi totoo."
Nakapanayam ng PEP.ph si Chie sa Star Magic 30 All-Star Games na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, noong Linggo, May 22, 2022.
CHIE HAS NO BOYFRIEND FOR NOW
Sa kabila na sexy image, ibinahagi ni Chie na wala siyang boyfriend ngayon.
Sabi niya sa kanyang relationship status, "Ngayon, single. Dating? Hindi rin.
"Kasi siguro kapag may pina-priority ka, hindi talaga pumapasok sa isip mo yung love life. Career muna."
Naging malapit si Chie kay Kyle Echarri nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Read: Chie Filomeno reveals Kyle Echarri used to send her private messages even before PBB
Sinisi noon ni Kyle ang sarili kung bakit marami ang nam-bash at na-evict agad si Chie sa PBB house.
Sabi naman ni Chie sa PEP.ph, "Nalungkot ako na yun ang naisip niya kasi wala akong power para iparamdam sa kanya yun kasi nasa loob siya at nasa labas ako.
"How I wish na masabi ko sa kanya o maparamdam ko sa kanya na hindi niya kasalanan kung bakit ako natanggal sa PBB. It's not his fault."
Nagkikita pa rin daw sila sa ABS-CBN events, pero hindi itinago ni Chie na nabawasan na rin ang komunikasyon nila ni Kyle.
"Nakakapag-usap kami kasi ang dami ring events, halos nagkikita kami.
"Siguro ano lang, restricted lang, kasi may mga pinoprotektahan din na tao siyempre."
ON INDECENT PROPOSALS
Aminado si Chie sa kanyang sexy image lalo na nang ilunsad siya bilang calendar girl ng isang liquor brand noong 2021.
Sagot ni Chie, "I'm flattered sa mga attention na nakukuha ko. I know myself, I can carry myself. I can deny it in a respected way."
Naranasan na ba niyang magkaroon indecent proposals at paano niya naha-handle ito?
"Indecent proposal? Wala pa naman, pero kung mayroon nakakatuwa kasi napa-fantasize nila ako."
Petite man ang pangangatawan, confident daw si Chie sa sarili.
"Kasi ang sexy for me ay hindi lang showing of the skin. Me kasi, I'm petite, ako yung parang imahe ng mga petite na babae na hindi sila comfortable dahil petite sila.
"Kailangan nilang i-embrace yun kasi magkakaiba tayo ng katawan at saka kung alam mo na healthy ka, okay lang yun.
"Siyempre, it's more of, like, gusto ko ring ipakita it's more than just like wearing bikini, it's being healthy inside and out. Yung pagiging calendar girl ko is to inspire people."
Samantala, excited si Chie sa acting project niya na Beach Rose at isang pelikula.
Tulad nina Erich Gonzales, Anne Curtis at Cristine Reyes, pangarap niyang sumabak sa action films.
Aniya, "Hindi halata, pero super sporty ako. I do racing. Heto, nasa volleyball tayo ngayon.
"Very active lang talaga ako and very competitive, and madami akong matututunan sa action."
