Inalmahan ng singer na si Kuh Ledesma ang "fake news" na inatake siya sa puso.
Noong Lunes, May 23, 2022, nag-upload si Kuh ng isang maiksing video sa kanyang Instagram kung saan mariin niyang pinabulaanan ang kumalat na balita.
Sabi ng Pop Diva, “Naku naman, may lumabas na fake news, ako daw ay nagkaroon ng heart attack.
"Teka, okay na okay ang heart ko, very strong. Kasi si Lord ang nagpapalakas sa akin. Huwag po kayong maniniwala sa mga ganun.
"Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa akin.”
Hinikayat din ng beteranang singer ang mga gumagawa ng fake news na maging mabuti dahil may biyayang nakalaan sa kanila mula sa Panginoon.
Wala naman daw siyang balak balikan ang mga ito.
Ani Kuh, “Yung mga fake newsers na 'yan, yung mga gumagawa ng ganyan, may mga balik na masama 'yan. Huwag niyong gawin 'yan, okay?
“Focus on Jesus, bibiyayaan ka Niya kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa.
"Kaya huwag nating binabalikan ang gumagawa ng masama, okay? Alam ko gets niyo 'yan. Love you, guys:”
Caption pa ni Kuh sa kanyang post: “Fake news going around na inatake ako... but I'm alive.
“Don't just believe in stuff like that. So, if you hear news, make sure to ask before spreading it around.”
View this post on Instagram
