Pinuri ng TV Patrol anchor na si Karen Davila ang desisyon ni Senator-elect Robin Padilla na pansamantala munang lisanin ang showbiz.
Ito ay sa kadahilanang kailangan daw mag-focus ng aktor sa kanyang bagong tungkulin bilang first-time senator.
Sabi ni Karen sa kanyang tweet noong May 20, 2022, ang mga nanalo sa eleksyon mula sa mundo ng showbiz, lalo na sa senado, ay dapat talagang magtrabaho bilang mambabatas.
Mensahe ng ABS-CBN broadcaster: “GOOD MOVE Sen Robin Padilla [thumbs-up emoji]
“Winning showbiz candidates should stop treating the senate like a bonus or just a stature post.
“Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less [Philippine flag]”
Nilakipan ito ni Karen ng link sa balita ng ABS-CBN News Twitter account na may nakasulat na: “First-time senator Robin Padilla says he is leaving the showbiz industry to focus on his work as a lawmaker.”
Nakalagay sa detalye ng balitang ito ang mga sinabi ni Robin noong proclamation ng nanalong labindalawang senador noong May 18.
Saad niya,“Mahalaga sa akin magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas.”
Sa isang Facebook live naman noong May 21, pinasalamatan ni Robin ang lahat ng bayan, siyudad, at probinsiya kung saan siya nanalo bilang senador.
Ang mga lugar na hindi siya pinalad ay pinangakuan niyang dadalawin niya upang makipagdayalogo sa kanila.
Nakatakdang magsimula ang termino ng mga bagong halal na opisyal ng gobyerno sa katangahalian ng June 30.
