Inalala ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang 9th death anniversary ng kanyang amang si James Peter Dodd kahapon, May 22, 2022.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sue ang video call niya sa kanyang pamilya habang inalala nila ang kamatayan ng ama ng aktres.
Sabi ni Sue sa kanyang caption, hinding-hindi niya makakalimutan ang pinakamamahal na ama.
Aniya, “With all my heart I miss you and think about you everyday, Dada! I love you FOREVER. [baby angel, sparkles emoji]
“Video call with my family for my Dada’s 9th year in heaven. Please include him in your prayers today. [hugging face, praying hands, heart emojis]”
View this post on Instagram
Pumanaw ang ama ni Sue noong labimpitong taong gulang pa lamang ang Kapamilya actress.
Noong 2020, sa okasyon ng ikapitong anibersaryo ng pagpanaw ng ama, hiniling ni Sue na kahit nasa kabilang mundo na ito ay patuloy pa rin silang subaybayan ng kanyang inang si Chit Dodd at pamilya.
Saad ni Sue, “Remembering you today, Dad. 7 years since you left Earth, and I still miss you everyday. Continue to watch over us, ok? Sending my hugs and kisses all the way to heaven. I love you, Mr. Dodd.”
View this post on Instagram
Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakalimot si Sue na dumalaw sa puntod nito kahit halos isang dekada ng patay ang ama.
Kamakailan lamang, dinalaw pa niya ito kasama ang ina para dalhan ng bulaklak.
Caption niya, “Flowers for you, Dad!!!”
View this post on Instagram
