Isang basher ang kumuwestiyon sa kapasidad ng mga artistang tumulong sa mga nangangailangan.
Nag-ugat ito sa tweet ni Bianca Gonzalez kunsaan pinaalalahan niya ang kanyang followers na ipagpatuloy ang "pagtindig para sa ikabubuti ng isa't isa."

Umapela rin si Bianca na ipagpatuloy na labanan ang "DISINFORMATION" na aniya'y banta laban sa demokrasya.
Isang basher ang ilang beses kumontra sa mga komento ng supporters ni Bianca.
Isa sa supporter ni Bianca ang humirit na, "Good luck pag may kalamidad sa pilipinas the likes of @143redangel should not even bother to help out."

Hindi malinaw kung bakit iyon inihirit ng netizen, pero sinagot ito ng basher sa thread ng tweet ni Bianca.
Sabi nito (published as is): "Bakit?? Yong binagyo kami ni Odette sa Cebu sino ba tumulong? may mga 'artista' ba kuno?? LOL.
"Umuwi ako ng Mindanao pra bomoyo laking gulat ko majority ng local candidate BBM dinadala talos sabihin nandaya? Helllooo??? mahiya naman kayo oi!!!"

Sa tono ng mensahe ng basher, hindi siya naniniwalang may artistang tumulong sa Typhoon Odette victims.
Sa puntong ito sumingit si Angel para iwasto ang persepsyon ng basher.
Simple ang banat ni Angel: "2M" na may kasamang apir at blushing emoji.

Malinaw na kumpirmasyon itong nag-donate si Angel ng P2M sa relief operations para sa Typhoon Odette victims.
KRIS AQUINO FIRST SPOKE ABOUT ANGEL'S P2M DONATION
Matatandaang noong December 2021, isinapubliko ni Kris Aquino ang donasyong ito ni Angel.
Inihayag ni Kris ang tungkol sa P2M donation ni Angel nang samahan ni Kris si Vice President Leni Robredo sa relief operation sa Negros Occidental.
Ani Kris: "Nagbigay po si Angel Locsin ng 2M pesos kay VP Leni para po pantulong para po sa lahat ng mga nasalanta."
Sina Kris at Angel ay malapit na magkaibigan, at parehong solid supporters ni Vice President Leni Robredo.
ANGEL'S RELIEF OP LAST APRIL 2022
Noong April 2022, muling nagbigay-tulong si Angel sa mga nasalanta ng bagyong Agaton.
Personal siyang nagtungo noong April 18 sa Baybay, Leyte at noong April 19 sa Abuyog, Leyte kunsaan namahagi sila ng mister niyang si Neil Arce ng relief goods.
Namataan si Angel noong hindi nakasuot ng kulay pink, na siyang campaign color ni Robredo.
Nilinaw ni Angel na walang halong pulitika ang pagtulong niya sa mga nasalanta ng bagyong Agaton.
Aniya, "Hello! Hindi po talaga ako nag suot ng pink or campaign shirt para hindi po mahaluan ng pulitika ang pag bibigay ng relief goods lablablab lang po tayo dahil ang kailangan naman po ng mga affected ng landslide ay magtulungan tayo."
Read: Angel Locsin explains why she was not wearing pink during Leyte relief distribution
