Nagpansinan ang live-in partners na sina Janella Salvador at Markus Paterson sa gitna ng bali-balitang nagkaalitan sila.
Araw Ng Mga Ina, Mayo 8, 2022, nag-post si Markus sa Instagram ng litrato ng kanyang mag-inang Janella at Jude Trevor.
Saad sa caption ni Markus (published as is): "happy Mother’s Day, celebrate the amazing mother you have become. [hugging emoji] @superjanella."
Nag-reply si Janella ng "Thank you" at white emoji.

NETIZENS' REACTIONS
Ilan sa mga masugid na tagasubaybay ng couple ang napa-react na "hindi tuloy ang chismis."
May mga nasabi pang "sna cla pdn" o ang ibig sabihin ay "sana sila pa din."
Waring natuwa naman ang isang netizen na hinintay raw niya talaga ang pagpaparamdam ni Markus kay Janella.






RUMORED BREAKUP?
Umugong ang usap-usapang tila hiwalay na umano sina Janella at Markus dahil matagal na silang walang post na sila ay magkasama.
Huling paramdam nila ay nang pareho silang mag-post ng kanilang family picture sa Instagram noong January 1, 2022.
Sa ulat ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog noong April 29, 2022, ibinahagi nitong napag-alaman niya sa "common friends" ng couple na ilang buwan nang hiwalay umano sina Janella at Markus.
May kinalaman daw iyon sa "habit" ni Markus na hindi umano gusto ni Janella.
Hindi malinaw kung ano ang reaksiyon ng couple sa isyu dahil nito lang Mother's Day ulit may update si Markus na patungkol kay Janella, na nirespondehan naman ng aktres.
Parehong may pinagkakaabalahang proyekto ang dalawa—si Markus ay bahagi ng Kapamilya teleserye na Viral Scandal, habang si Janella ay bahagi ng cast ng Darna.
Umaasa naman ang fans ng dalawa na kung may alitan man ang mga ito ay naayos din nila.
