PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juliana Parizcova Segovia on attacks by Vice Ganda alaga

Juliana is sure Vice Ganda knows what her alaga is doing.
by Jojo Gabinete
Published Apr 30, 2022
juliana parizcova segovia, vice ganda
Juliana Parizcova Segovia says she is hurt by being called a troll. "Hindi po lahat ng hindi natin kapareho ng paniniwala ay troll at hindi po lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa patalim. Hindi po pagkapit sa patalim ang magkaroon ng sariling opinyon."
PHOTO/S: Instagram

Blind item o walang binanggit na pangalan si Vice Ganda nang magsalita ito sa live broadcast ng It’s Showtime noong Martes, April 26, tungkol sa isang kakilala niya na madalas manghingi ng pera sa pamamagitan ng GCash at naging troll dahil sa kahirapan.

Pero nag-react ang first-ever Miss Q & A winner na si Juliana Parizcova Segovia kaya lalong marami ang nakumbinsi na siya ang tinutukoy ng TV host-comedian.

Sabi ni Vice noon sa It's Showtime, “May kakilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media.

"'Tapos, nalaman ko kasi, troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e.

"So, iyon yung effect, ginawa niya yun, kumapit siya dun kahit mali, kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya."

Read: Juliana Parizcova Segovia responds to Vice Ganda's "blind item" about a troll

Hindi man binanggit ang kanyang pangalan, may epekto ang mga sinabi ni Vice kay Juliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ATTACKS BY VICE'S ALAGA

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Juliana ngayong Sabado ng umaga, April 30, nagtanong kami kung paano niya natiyak na siya ang taong tinutukoy ni Vice.

“Laking kalye po ako. Hindi ako sanay sa parinigan o mga pa-blind item.

"Ise-send ko po sa ’yo ang mga screenshot ng alaga niya ngayon,” ang sagot ni Juliana na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa isyu na kinasasangkutan nila ni Vice.

Pero hindi niya sinabi ang pangalan ng alaga ng It’s Showtime host na kanyang tinutukoy.

“Sa tuwing pinagsasalitaan po ako ng masama niyan, hindi po ako pumapatol.

“Bakit po? First po, ayoko siyang bigyan ng espasyo sa wall ko kasi ayaw ko na ako po ang magpapakilala sa kanya sa tao habang tinatarantado niya ako.

“Second po, alam ko po na si Vice ang humahawak sa kanya. Ayoko po na mabastos si Vice kaya hindi ako pumapatol, kahit gusto ko na po siyang tanungin kung alam ba niya ang ginagawa sa akin ng alaga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi po, sa tuwing nagpo-post po ng hindi maganda tungkol sa akin ang alaga niya, nakikita ko sa My Day na magkakasama sila.

“Tao lang po ako na nag-iisip kung, 'Okey ba kay Vice na ganoon yung alaga niya?'

"Ginaganito ako o hindi niya nababasa, pero siyempre po puwede nilang sabihin na hindi nila pinapakialaman ang isa't isa.

“Pero alam po ng lahat ng mga bakla na hindi naman kikilos ang alaga kung hindi alam ng may hawak sa kanya, lalo na po si Vice na napaka-strict sa lahat ng mga bagay.”

Post by Vice Ganda's alaga according to Juliana Parizcova Segovia

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Another post by Vice Ganda's ward, according to Juliana Parizcova Segovia

Juliana Parizcova Segovia's screenshot of an attack towards him by one of Vice Ganda's wards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HURT BY TROLL ACCUSATION

Ano ang naging epekto sa kanya ng blind item ni Vice?

“Noong una po, alam ko sa sarili ko na hindi ako iyon, kasi yun nga po sa GCash at yung troll daw para sa pera.

“Hindi ko naman naisip na ako iyon.

"Pero nung ang mga nasa the same circle na ang nagta-tag sa akin, nagse-send ng mga video, parang pakiwari ko, baka ako ang tinutukoy niya kahit pa hindi naman ako yung idini-describe dahil sa akin pinapatungkol ng mga kakilala namin.

"Saka may mga nangyari na noon bago pa ito.

“Gaano kasakit na akusahan ka na troll at ipamukha sa ’yo ang sobrang kahirapan mo?

“Masakit po sa akin kasi totoong mahirap lang po ako. Maaga po na namatay ang tatay ko kaya ginawa kong inspirasyon si Vice na itutok ang pagbawi sa nanay.

“Walang araw po sa buhay ko na hindi ako nagbanat ng buto para may maipakain sa nanay ko at mabigyan siya ng konting ginhawa sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit sino naman po, puwedeng mang-api ng mahirap. Nagulat lang po ako na sa isang nagmula rin sa kahirapan at iniidolo ko pa manggagaling ang mga ganoong salita.

“Hindi po lahat ng hindi natin kapareho ng paniniwala ay troll at hindi po lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa patalim.

"Hindi po pagkapit sa patalim ang magkaroon ng sariling opinyon,” pagdidiin ni Juliana bilang pagpapakita ng kanyang dignidad at prinsipyo.

Tanong namin kay Juliana, paano niya gagamitin ang sitwasyon para makabangon mula sa mga maling paratang laban sa kanya?

“Hindi po ako babangon dahil hindi naman po ako pinadapa ng mga sinabi niya," sagot agad ng baklang komedyante.

“Nasaktan lang po ako dahil inidolo at tiningala ko siya. Hindi po ako makapaniwala na ganito pala, na ganito lang ang tingin niya sa akin at puwede pala na mangyari ito.”

SEEN-ZONED BY VICE

Sa huli, hiningan namin ng mensahe si Juliana para kay Vice, pero “Wala na po siguro” ang kanyang reaksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-message po kasi ako sa kanya nang mabasa ko noon ang recent post ng alaga niya.

“Tinanong ko po siya bakit po may ganoon at kung pinag-aaway lang kami.

"Seen-zoned lang po ako and then, kinabukasan, nagsalita na siya sa It’s Showtime.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juliana Parizcova Segovia says she is hurt by being called a troll. "Hindi po lahat ng hindi natin kapareho ng paniniwala ay troll at hindi po lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa patalim. Hindi po pagkapit sa patalim ang magkaroon ng sariling opinyon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results