Inamin ni Baron Geisler na pansamantala muna siyang lumayo sa misis na si Jamie Evangelista matapos ang viral video nila kung saan nagkainitan sila dahil sa bisyo sa alak ng aktor.
Read: Baron Geisler's wife Jamie Evangelista speaks up about video of them fighting at home
"Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our '12-step program,'" saad ni Baron.
Ang 12-step program ay isang recovery process na konsepto ng Alcoholics Anonymous. Binubuo ito ng 12 guidelines para makawala sa bisyo o anumang dinadaanang personal na isyu.
Sabi pa ni Baron, sinisikap niyang ayusin ang sarili habang siya ay naninirahan sa Bulacan kasama ng kanyang "sponsor" at pamilya nito.
"Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw," tukoy pa ni Baron sa misis.
Base ito sa panayam ni Dolly Anne Carvajal ng Philippine Daily Inquirer nitong April 23, 2022.
Unang linggo ng Abril 2022 nang kumalat ang Facebook video ni Baron kunsaan waring tinatalakan siya ni Jamie sabay hinagisan ng water jug.
Dinepensahan ni Jamie ang sarili at sinabing napuno na siya kay Baron dahil hindi na naman daw nito ma-manage ang pag-inom ng alak, ulat ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog.
Nabanggit din noon ni Jamie na nasa Bulacan si Baron kasama ang kaibigan nitong Amerikano na tumutulong maka-recover ang aktor sa alcohol addiction nito.
- Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."
- Baron Geisler says he was blessed with wife Jamie Evangelista when he started fixing his life
"STILL A WORK IN PROGRESS"
Naiulat naman kahapon, April 26, 2022, na nagtapos ng kolehiyo si Baron na kumuha ng kursong Theology.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinagmalaki ni Baron na 2019 nang simulan niya ang pag-aaral at masaya siyang sa wakas ay nakamit na niya ang inaasam na college degree.
Read: Baron Geisler, magtatayo ng sariling simbahan matapos mag-graduate ng AB in Theology?
Marami ang nagpaabot ng congratulatory messages kay Baron.
Pero sa kanyang Facebook post, tila nahiya si Baron at ipinunto na siya ay "work in progress" pa rin sa kabila ng kanyang degree sa Theology.
Pag-amin pa niya, "I'm still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future."
Nasabi rin niyang umaasa siya na ang Vivamax ay gumawa ng mas madaming family-oriented movies kaysa mga pelikulang may "soft porn content."
Taliwas daw kasi ito sa kanyang Christian beliefs.
Pero tila binura na ni Baron ang FB post habang isinusulat ang artikulong ito.
Si Baron ay nasa ilalim ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment. Ang Vivamax ay streaming platform naman ng Viva.
Tampok siya sa upcoming Vivamax movie na Pusoy.

