PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juliana Parizcova Segovia on Vice Ganda blind item about troll

Is Vice's blind item about a troll alluding to Juliana?
by Jojo Gabinete
Published Apr 27, 2022
juliana parizcova segovia vice ganda troll
Miss Q&A winner Juliana Parizcova Segovia (left) indirectly answers Vice Ganda's blind item about a troll who asks friends for Gcash: "Never akong nanghingi sa knya. Kht minsan sinasabi sakin ng mga bkla lumapit ako sa knya never ko ginawa."
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Si Juliana Parizcova Segovia mismo ang tila nagkumpirma na siya ang tinutukoy ni Vice Ganda nang magpasaring ang host-comedienne tungkol sa mga troll.

Walang binanggit na pangalan si Vice sa kanyang “blind item” sa live broadcast ng noontime program ng Kapamilya Channel na It's Showtime ngayong Martes, April 26, 2022.

Sa segment na "Showtime Sexy Babe" ay binasa ni Vice ang tanong para sa isang contestant: "Naniniwala ka bang kapag basher ka sa social media, toxic ka rin sa totoong buhay? Bakit?"

Sumang-ayon si Vice sa sagot ng contestant na hindi toxic sa totoong buhay ang basher sa social media.

"May kilala rin ako na ganito," sabi ni Vice.

“Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media.

"Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e.

"So, 'yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya dun kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba?

"Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?

“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice.

“Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya…tapos nalaman namin troll pala siya."

Sabi pa ni Vice, “Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga,' tapos umabot na siya…

“E, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Juliana, grand winner ng It’s Showtime Miss Q&A Season 1, ay kilalang supporter ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Si Vice, main host ng Kapamilya noontime show, ay nagdeklara noong nakaraang Sabado, April 23, na sinusuportahan niya ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo, ang mahigpit na katunggali ni Marcos sa kanilang presidential bid.

Read: Juliana Parizcova Segovia shows proof she and Vice Ganda are on good terms amid snubbing issue

JULIANA DENIES ASKING FOR GCASH

Hindi nagbanggit ng pangalan si Vice sa kanyang pahayag tungkol sa troll, ngunit tila nakumpirma na si Juliana ang kanyang tinutukoy dahil sa mensahe ng Miss Q&A winner sa direktor na si Darryl Yap.

Si Darryl, na isa ring masugid na BBM supporter, ang lumikha ng viral satire video na "Len Len." Tampok sa satire video, na pasaring kay Vice President Robredo, sina Juliana, Roanna Mercado, at ang kapatid ni Bongbong na si Senator Imee Marcos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inilabas ni Darryl sa social media ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Juliana patungkol sa blind item ni Vice.

Dito ay itinanggi ni Juliana na nanghihingi siya ng Gcash sa mga kakilala at hindi raw siya kailanman humingi ng tulong sa taong tinutukoy niya.

Mensahe ni Juliana kay Darryl (published as is), “Iniisip ko nga hanggang ngaun..ni isang beses wala sa knya o sa mga kadikit n’ya ang hiningan ko ng gcash kahit singkong duling…

"nung wala akong pera at trabaho nag-online ukay-ukay ako sa FB Live…nagtinda ako ng pares at mami..pero never ako nanghingi sa kanya o sa knila."

Tanong ni Darryl, "Sigurado ka?"

Sagot ni Juliana, “Siguradong-sigurado ako Direk..Never akong nanghingi sa knya.Kht minsan sinasabi sakin ng mga bkla lumapit ako sa knya never ko ginawa.

“Unang-una nahihiya ako dahil alam ko hindi nmn kmi ganon ka-close kaya bat ako hihingi..”

Hindi rin binanggit ni Juliana ang pangalan ni Vice, ngunit malinaw na ito ang sagot niya sa paratang ng It's Showtime host tungkol sa troll na nagpapa-Gcash sa mga kakilalang bakla kapag walang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan ni Darryl si Juliana na huwag nang magpaapekto sa isyu dahil giginhawa rin daw ang buhay ng comedian.

Sabi ng kontrobersiyal ding direktor, “Kung gayon, wag ka nang magpaapekto. Iniisip nya na kalaban ka nya…You are the size of your enemy.

“Giginhawa rin ang buhay mo at ang naramdaman mong pangmamaliit ngayon ay ang pinakamalaking paalaala sayo na hindi ka hihinto hanggang maging matagumpay ka.

“Lahat ng sinabi niya ay repleksyon n’ya.Nandito lang kami ni Ro at Senator,” pagtukoy ni Darryl sa mga kasamahan ni Juliana sa "Len Len" video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palitan ng mensahe nina Juliana at Darryl ay hindi sinagot ang tungkol sa isa pang paratang ni Vice—ang pagiging troll dala ng kahirapan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Q&A winner Juliana Parizcova Segovia (left) indirectly answers Vice Ganda's blind item about a troll who asks friends for Gcash: "Never akong nanghingi sa knya. Kht minsan sinasabi sakin ng mga bkla lumapit ako sa knya never ko ginawa."
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results