PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raising Mamay director on Ai-Ai Delas Alas as Comedy Queen

"Nakikita ko siya as queen, period."
by Rose Garcia
Published Apr 26, 2022
Ai-Ai Delas Alas in Raising Mamay
Raising Mamay director Don Michael Perez says he did not see Ai-Ai Delas Alas as "Comedy Queen" in the series. ]“Iyong demand ng character, kailangan mong maawa sa kanya, and, at the same time, kailangan mong ma-endear sa kanya. So tingin ko, isang katulad lang ni Ms. Ai ang makakagawa no’n.”
PHOTO/S: Raising Mamay (GMA-7)

Ayon sa direktor ng Raising Mamay na si Don Michael Perez, wala raw siyang ibang naisip na puwedeng gumanap sa title role kung hindi ang bida nitong si Ai-Ai Delas Alas.

Kuwento ng batikang Kapuso director, “Noong una kong maka-meeting si Ms. Ai, sinabi ko sa kanya na, ‘Alam niyo po Ms. Ai, kayo lang talaga ang naiisip ko na makakagawa nito. Kasi kaya niyong mag-shift, e.

“From forty years old do’n sa pagiging bata. Ang hirap no’n kasi parang sobrang polarized yung spectrum na kailangang gampanan.”

Bida sa Raising Mamay si Ai-Ai bilang Letty, isang mabuting ina at maybahay na magkakaroon ng brain regression nang mabaril ito sa ulo.

Dahil sa kanyang sakit, magiging isip at kilos-pitong taong gulang si Letty.

Tila magkakapalit sila ng role ng kanyang teenager na anak na si Abigail, na siyang tatayong ina sa kanyang Mamay.

Si Abigail ay ginagampanan ng StarStruck 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava. Ito ang kanyang unang lead role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa ni Direk Don tungkol kay Ai-Ai, “Ang nakakatuwa kay Ms. Ai, kapag nasa set kami, hindi siya bumibitaw.

“Kaya kahit hindi take, halimbawa, bata siya, kinakausap niya kami bilang bata. Kaya in character siya palagi.”

“Comedy Queen” ang bansag kay Ai-Ai dahil mas nauna siyang nakilala bilang komedyana sa kanyang mga pelikula.

Pero hindi raw ito masyadong nakita ni Direk Don sa set ng kanilang drama series.

Paliwanag niya, “Sa totoo lang, hindi ko siya nakikitang comedy queen. Nakikita ko siya as queen, period.

“Kasi, hindi ko ma-grasp, siyempre, napapangiti ka sa mga pelikula niyang nagpapatawa, pero dito, ibang-iba siya.

“Lately kasi, nakita ko yung indie na ginawa niya at nakita ko na may depth siya. So noong binubuo namin ang casting, sabi ko, kayang-kaya ni Ms. Ai iyan.

“Iyong demand ng character, kailangan mong maawa sa kanya, and, at the same time, kailangan mong ma-endear sa kanya. So tingin ko, isang katulad lang ni Ms. Ai ang makakagawa no’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisang umere ang Raising Mamay ngayong Lunes, April 25, 2022, sa GMA Afternoon Prime kapalit ng Little Princess.

ALSO READ: Ai-Ai delas Alas temporarily halts plan to stay in the U.S. because of Raising Mamay

DOING A MEDICAL DRAMA

Pagdating naman sa pagdidirek ng Raising Mamay, aminado si Direk Don na may challenge talaga dahil may pagka-medical drama ito.

Aniya, “Kapag yung mga medical drama talaga, medyo ingat na ingat kami kasi marami tayong nanonood na puwedeng pumuna or puwedeng magsabi na hindi naman totoo iyan.

“Kaya marami na rin akong nagawang drama, so kapag medical drama, ingat na ingat ako.”

Mas madali raw sanang patakbuhin ang Raising Mamay kung straight drama ito, pero marami ring kailangang isaalang-alang ang produksiyon dahil sa kuwento nito.

Lahad ni Direk Don, “Sa totoo lang, yung drama, madali siyang patakbuhin. Madaling mag-kuwento ng drama.

“Pero kapag kailangan mong isaalang-alang ang logic, kapag kailangan mong isaalang-alang ang realism, medyo magti-take ng backseat ang drama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi yung drama, nandiyan lang iyan, e. Basta priority mo dapat, makatotohanan yung kuwento, wala kang iniimbento, lahat ng detalye mo ay tama, the drama will come naturally.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raising Mamay director Don Michael Perez says he did not see Ai-Ai Delas Alas as "Comedy Queen" in the series. ]“Iyong demand ng character, kailangan mong maawa sa kanya, and, at the same time, kailangan mong ma-endear sa kanya. So tingin ko, isang katulad lang ni Ms. Ai ang makakagawa no’n.”
PHOTO/S: Raising Mamay (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results