Marami ang nagtataka kung bakit wala ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal ng malapit nilang mga kaibigang sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.
Kilala kasi ang apat na kabilang sa barkadahang Nguya Squad na kinabibilangan ng iba pang mga artista.
Ikinasal sina Patrick at Aeriel sa Nasugbu, Batangas noong April 20, 2022.
Read: Pinoy Big Brother ex-housemate Patrick Sugui now married to Aeriel Garcia
Sa Instagram post ng barkada rin nilang si Gabbi Garcia kagabi, April 21, muling binati ni Gabbi ang bagong kasal sa panibagong yugto ng kanilang buhay.
Mensahe ng Kapuso actress: “Pat & Ae’s wedding day [emoji] nothing but overflowing love and joy for these two! @patsugui @aeriel ily both so much.”
View this post on Instagram
Sa comments section, ilang netizens ang hinahanap ang kanilang mga idolo na sina Kathryn at Daniel.
Nakadalo kasi lahat ng iba pa nilang close friends tulad nina Gabbi, Khalil Ramos, Ria Atayde, Sam Concepcion, Dominic Roque, Issa Pressman, at Julia Barretto.
Prinangka naman sila ni Gabbi.
Sabi niya sa mga naghahanap sa KathNiel: “This post is for Pat & Ae, our newlyweds [emoji] mahiya naman po kayo.”

Sinegundahan naman ng boyfriend ni Gabbi na si Khalil ang kanyang pakiusap.
Mensahe ng actor-singer, “Respeto na lang guys eh. Mahirap ba ibigay yun?”

KATHRYN, DANIEL IN LOCK-IN TAPING
Nagpasalamat naman si Aeriel Garcia kay Gabbi sa post nito tungkol sa kasal nila ni Patrick.
Komento niya, “ILYSM!!!”

May sumagot sa kanyang netizen, pero hindi na mababasa kung ano ang sinabi nito na tila offensive.
Si Patrick ang sumagot para sa asawa.
Buwelta niya sa netizen: “pinagsasabi mo? Nasa lock in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. Wag asawa ko.”

Pinakalma naman ni Gabbi si Patrick.
Sabi ng Kapuso star, “love you pat!! Not worth the stress!”

Sagot ni Patrick kay Gabbi, “diba? Ang saya saya namin, kakakasal lang. kahit sila happy for us, tapos sisihin asawa ko. Nyeee”

May pinagsabihan din si Pat na isang netizen na burado na rin ang komento.
Saad ng former PBB housemate, “hanap ka nalang friends mo para di ka nangingielam sa grupo ng iba. Marami akong time ngayon, tapos na wedding planning:) o kaya alagaan mo nalang anak mo , di yung puro ka chismis.”

Sabi naman ng isang netizen, "NAPAKABABAW na rason ang lock in taping nila. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kathniel sila, they can find a way to make it to ur wedding. Hindi problema yon sakanila, may say sila. Aminin niyo na lang na hindi kayo okay lahat."

Dagdag pa ng nasabing netizen, "Pwede ba yon, best friend mo wala sa pinakamahalagang araw ng buhay mo? Cmon wag kami, dont fool us!”

Nilinaw ni Patrick na personal niyang ipinaalam sina Kathryn at Daniel sa direktor ng kanilangupcoming show na 2 Good 2 Be True pero hindi raw pinayagan ang mga ito.
Ani Pat, “really? Kasi po nasa bahay lang ako ni dj a week before the wedding:) ako pa nagpaalam sa director nila if pwede sila payagan kahit for 1 day lang:) pero hindi talaga. And we understand. Bida sila sa show nila, sila ang pinakabusy.”

Marami pang mga hinala ang netizens tungkol sa hindi pagdalo nina Kathryn at Daniel, pero hindi na sila sinagot nina Gabbi at Patrick.
Noong January 2021, sa surprise engagement party para kina Patrick at Aeriel, kasama sina Daniel at Kathryn sa mga nakisaya.
Read: Patrick Sugui, Aeriel Garcia get surprise engagement party from closest friends
