PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach: Respect each other's political colors

Aga Muhlach appeals to electorates to respect everyone's choices.
by Arniel C. Serato
Published Apr 1, 2022
Aga Muhlach reacts to cancel culture
Aga Muhlach shares his thought about cancel culture: "Yung sinasabing cancel culture, parang hindi ko na rin iniintindi 'yan. Kasi sa akin, I will do my work as an actor and I will do my best to entertain and to keep people happy. And pagdating sa mga gulo-gulo, ayoko talaga sumali talaga.”
PHOTO/S: Courtesy: @net25tv on Instagram / One PH on YouTube

Hinikayat ng actor-TV host na si Aga Muhlach ang lahat na magrespetuhan pagdating sa kani-kanilang political stand lalo na ngayong umiinit ang political climate sa Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng lalong pag-iingay ng campaign colors na kumikilala kung sino ang sinusuportahang kandidato at grupo ng mga botante.

“Pink” ang kulay ng tandem nina presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at vice presidential aspirant at Senator Kiko Pangilinan.

“Red and green” ang kulay ng tandem nina former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

“Blue” naman ang kina Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong.

Para kay Aga, dapat irespeto ang napili ng bawat isa.

Pahayag ni Aga sa panayam niya sa programang Cristy FerMinute sa One PH noong March 29, 2022, “Galangan lang. Kasi kung merong pink tayo, hayaan natin ang pink.

“Kung merong pula, hayaan natin ang pula. Kung merong asul, hayaan natin ang asul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi at the end of the day, it’s really important, madaming magagalit na naman dito, but okay lang. I think I need to say this also. Ang hirap na ng sitwasyon ng bansa natin.

“I think it’s very important really, at the end of the day, do not forget, let us not all forget really to love one another.

“That’s the most important, that’s where we can see Jesus, ang ating Panginoong Diyos, sa pagmamahalan.”

Ayon pa kay Aga, imbes na magbardagulan at mag-away away, dapat ipairal ang pagmamahalan natin sa kapwa.

Aniya, “So, kahit iba-iba tayo ng kakampi, meron tayong masamang tao, wala pong taong perpekto, gumawa ng ganito, ng ganun, magmahalan tayo.

“Patawarin natin ang mga nagkakasala dahil lahat tayo ay may mga kasalanan din sa buhay.

“Bakit pa tayo nag-aaway away, tapos ano ba ang mangyayari kapag nag-aaway ayaw tayo? Wala rin.”

CANCEL CULTURE

Hindi rin pabor si Aga sa umiiral na cancel culture o ang pag-boycott sa isang tao kapag hindi naaayon sa kanilang panlasa ang napili nitong susuportahang kandidato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng 52-year-old actor, “Meron lang akong isang bagay na prinsipyo na sinusundan sa buhay.

“Lahat tayo kasi iba-iba ang pananaw ng bawat tao. It’s difficult really nowadays na lahat ng boses naririnig natin, na minsan hindi na natin alam kung sino tama, kung sino ang mali.

“Ngayon, sa akin, indibidwal, sa pagkatao ko, pipiliin ko yung nakikita kong tama na gawin, not necessarily sa politics ano, kundi sa buhay.

“Parang gawin lang natin kung anong kaya nating gawin, kung ano yung dapat nating gawin para sa ikauunlad, unang-una ng buhay nating lahat at mga mahal natin sa buhay, ng pamilya natin.”

Ayon pa kay Aga, may desisyon na ang tao kung sino ang iboboto nila pagdating ng halalan. Mahirap na aniya itong kumbinsihin na pumanig sa hindi nila napiling kandidato.

“Ngayon, pagdating sa pulitika naman, wala na tayong magagawa, e.

"Ibig kong sabihin, kung may kakampi yung isa, hindi mo na masu-sway ‘yan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung may kakampi itong isa, hindi mo na maiiba. Para sa akin lang, ayaw ko nang makadagdag kasi po ng sakit ng ulo sa mundong ito at sa bayan na ito.

“So, yung sinasabing cancel culture, parang hindi ko na rin iniintindi 'yan.

"Kasi sa akin, I will do my work as an actor and I will do my best to entertain and to keep people happy.

"And pagdating sa mga gulo-gulo, ayoko talaga sumali talaga.”

Minsan nang sumubok sumabak sa pulitika si Aga nang tumakbo siyang congressman sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur noong 2013.

Naging mahigpit ang tunggalian nila ng nakalabang si Wimpy Fuentebella, kung saan nakakuha si Fuentebella ng 58,084 na boto kumpara sa 57,009 votes ni Aga.

Dahil sa paniniwalang may discrepancy sa bilangan ng mga boto, naghain si Aga ng electoral protest ngunit wala rin nangyari rito.

Read: Aga Muhlach cries foul over alleged discrepancies in congressional race in CamSur

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach shares his thought about cancel culture: "Yung sinasabing cancel culture, parang hindi ko na rin iniintindi 'yan. Kasi sa akin, I will do my work as an actor and I will do my best to entertain and to keep people happy. And pagdating sa mga gulo-gulo, ayoko talaga sumali talaga.”
PHOTO/S: Courtesy: @net25tv on Instagram / One PH on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results