Pinagsabihan ni Kit Thompson ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza na tumigil sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon.
Sa kanyang verified Facebook account noong Martes, March 29, 2022, ni-repost ni Kit ang isang blind item ni Xian sa verified Facebook account din nito.
March 19 pa ang nasabing post ni Xian.
Ipinost ito ni Xian isang araw matapos mapabalitang sinaktan diumano ni Kit ang kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay kung saan sila nag-check in.
Ayon sa blind item ng controversial social media personality, may isang “continental girlaloo” ang nakipag-date sa private resort sa Palawan sa halagang P250,000.
Nalaman daw ito ng boyfriend ng babae, pero binitin ni Xian ang blind item dahil matutulog muna raw siya.
Buong post ni Xian: “ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH"
Caption naman ni Kit sa ni-repost niyang status ni Xian: “Stop spreading misinformation.”
Noong umaga ng March 18, pumutok ang balitang nagpa-rescue si Ana sa mga pulis sa Tagaytay City dahil dinetena at sinaktan diumano siya ni Kit.
Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after allegedly injured by boyfriend Kit Thompson
Humingi pa siya ng tulong sa ilang kaibigan niya dahil natatakot daw siya para sa kanyang buhay.
Naaresto ng pulisya ni Kit at napiit ito ng tatlong araw, hanggang sa nakapagpiyansa sa halagang P72,000 kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan.
Read: Kit Thompson under police custody in Tagaytay; his girlfriend undergoes medical treatment
Lagpas tatlong buwan pa lamang ang relasyon nina Kit at Ana, na umamin lamang noong Disyembre 2021.
“KIT THREATENS TO KILL ANA”
Sa unang pagkakataon na humarap si Ana sa media noong Marso 28, 2022, inamin niyang selos ang dahilan kaya binugbog umano siya ng boyfriend na si Kit.
Read: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police
Lumalabas na ang posibleng naka-trigger sa galit ni Kit ay ang usapan nilang baka iwan ni Ana ang nobyo.
Ayon kay Ana, hindi totoo ang espekulasyong mayroong third party sa parte niya.
Pero sa hindi malinaw na dahilan ay pinagseselosan umano ni Kit ang ex-husband ni Ana na hiniwalayan nito noon pang 2018.
Lahad ni Ana: "Nangyari po kasi yun, na nag-usap po kami na gusto daw po niya akong pakasalan.
"Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganun din ako sa kanya.
"Tapos po, may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media.
"Tapos, naging okay naman po yung usapan namin."
Maya-maya ay biglang binanggit daw ni Kit ang tungkol sa ex-husband ni Ana.
Dito raw siya binantaan ni Kit na papatayin siya sa oras na hiwalayan niya ito.
"And then, ang next na po niya na tanong sa akin, 'Iniwan mo yung ex mo, di ba? Di ba, hiniwalayan mo siya?'
"Sabi ko, 'Oo, ang tagal na 'yan, 2018 pa 'yan. Alam mo naman kung ano ang nangyari kung bakit.'
"Tapos, sabi niya, 'Ako, pag iniwan mo ako, patayin kita.' Tapos, sabi niya, 'Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba.'
"Kaya nung sinagot ko siya, sabi ko sa kanya, 'Mahal kita, hindi kita iiwan, alam mo ‘yan.'"
Sa ngayon, hindi na naka-follow si Kit kay Ana sa Instagram gayundin ang sexy actress sa boyfriend.
Read related stories:
- Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson
- Kit Thompson, nakapagpiyansa na; Ana Jalandoni, pursigidong magsampa ng kaso
- Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries
- Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident
- Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni
