PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joderick Tejada wagi sa 1st sand sculpting contest sa Ilocos Sur

“Under the sea” ang naging tema ng kumpetisyon
by KC Cordero
Published Mar 30, 2022
Little Mermaid sand sculpture
Tinanghal na champion ang team ni Joderick Tejada sa kauna-unahang sand sculpting contest sa Ilocos Sur dahil sa obra nilang Little Mermaid.

Napagwagihan ni Joderick Tejada, isang college professor, at ng kanyang anim na kasamahan ang kauna-unahang sand sculpting contest na ginanap sa Candon, Ilocos Sur noong March 19, 2022.

Ang tema ng kumpetisyon ay “under the sea”.

Tinanghal na first prize winner ang kanilang entry na “Little Mermaid” at tinalo nila ang siyam pang kalahok.

Little Mermaid sand sculpture

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggap ang team ni Joderick ng PHP25,000 cash prize mula sa the Candon City government, na siya ring may initiative ng contest.

Sa panayam sa kanya ng GMA Regional TV, hindi raw niya inaasahang mananalo ang grupo dahil iyon ang unang paglahok nila sa sand sculpting contest.

Dagdag pa ni Joderick, “We just happen to love the arts, that is why we joined."

Joderick Tejada interview

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Little Mermaid sand sculpture

Nakuha niya ang concept sa 1989 animated Disney movie na Little Mermaid.

Ang sand sculpting contest ay isa lang sa maraming aktibidad para sa kapiyestahan ng Candon na idinaraos sa loob ng tatlong linggo ngayong buwan ng March.

Ginanap ang kumpetisyon sa kahabaan ng Darapidap Beach malapit sa Ilocos Sur Polytechnic State College-Candon campus.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ito ng padiriwang ng makasaysayang "Ikkis ti Candon" (Cry of Candon) noong March 25 at ng 21st cityhood anniversary ng Candon.

Batay sa kasaysayan, naganap ang "Ikkis ti Candon" (Cry of Candon) noong March 25, 1898 nang pamunuan ng Ilokanong Katipunero na si Federico Isabelo Abaya ang pagsalakay sa kampo ng mga Kastila sa kanilang lugar.

Idineklara rin niya noong araw na iyon na ang Candon ay malaya na sa mga kamay ng mga dayuhang mananakop.

Ayon naman kay Candon City Mayor Ericson Singson, maganda ang kinalabasan ng city fiesta kahit idinaos ito sa ilalim ng new normal.

Aniya, “It is a step in the right direction in our recovery path from the pandemic."

Dagdag ni Singson, dahil new normal, nag-isip ang fiesta executive committee ng mga bagong palaro, gaya ng sand sculpting, at hindi muna nagsagawa ng street dancing at grand parade para maiwasan ang mass gathering dahil may banta pa rin ng COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinanghal na champion ang team ni Joderick Tejada sa kauna-unahang sand sculpting contest sa Ilocos Sur dahil sa obra nilang Little Mermaid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results