Mukhang tutuluyan talaga ni Melai Cantiveros ang basher na labis ang pagmumura at nagbanta pa sa kanya at sa kanyang dalawang anak na babae.
Ngayong Lunes, March 28, 2022, ibinahagi ni Melai sa kanyang Instagram Story ang larawan ng complaint sheet ng National Bureau of Investigation (NBI).
Wala siyang inilagay na caption dito.

Hindi man niya ipinakita ang laman ng kanyang reklamo, pero ilang araw na ang nakalilipas ay nagpupuyos sa galit ang TV host sa isang basher na minura ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela.
Noong Sabado, March 26, hindi nagpatumpik-tumpik si Mela isa pagpu-post publicly ang larawan ng nasabing netizen sa kanyang Instagram.
Sa mga screenshot na ibinahagi ni Melai, walang dudang masasamang salita ang pinag-iiwan ng babaeng basher sa vlog nilang pamilya ukol sa isang panimpla.
Sabi ng walang breeding na basher sa una nitong komento (published as is): “SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW… SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA…
“BOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI. ISA ITONG MAGNANAKAW. ISA ITONG PUTA NG LIPUNAN.
“ANO PANGIT??? NAGMAMAIINIS KANG HAYOP KA… NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki ka SA pagnanakaw Ng INA mo.
“ANO? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE… MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS LALIT KASAMA MO MGA ANAK MO P@T*NG Ina KANG PANGIT KA. Mamatay Sana MGA anak mo… isusumpa ko yan.”
Sa isa pang screenshot, mababasa rito ang mga ganitong salita mula sa basher: “MAMAMATAY BATANG ITO PINALAKI SA PAGNANAKAW… HAHAHA SUMPAIN PAMILYA MOPANGIT.
“MAGNANAKAW SI MARCOS??? NANAY MO ANG MAGNANAKAW GAGA.”
Sa caption, umapela si Melai sa netizens na tulungan siyang mahanap ang basher. Nanawagan din siya sa mga abugado para tulungan siya.
Buong caption ni Melai: “Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun, Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pamg haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN
“Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni”
Halatang tagasuporta ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang basher ni Melai.
Bukas naman si Melai na isa siyang tagasuporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.
