PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tarlac City mayor's son on Kris Aquino throwing shade at his mom

Mark Angeles says his sister Anvi is a Leni Robredo supporter.
by Arniel C. Serato
Published Mar 28, 2022
Mark Angeles defends "Kakampink" sister against Kris Aquino
Tarlac City Mayor Cristy Angeles's son Mark Angeles (not in photo) questions Kris Aquino's tirades against his mother and their family: "Di ko lubos maisip na kailangang humantong sa pagdadala ng KAMUHIAN ang kampanya ni Miss Kris Aquino."
PHOTO/S: Courtesy: VP Leni Robredo on Facebook

Hindi rin pinalampas ni Mark Angeles, anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles, ang birada ni Kris Aquino laban umano sa kanyang ina at sa kanilang pamilya.

Sa kanyang Facebook noong March 24, 2022, isang araw matapos sagutin ng kanyang kapatid na si Anvi Angeles ang mga patutsada ni Kris, sinabi ni Mark na isang Kakampink si Anvi.

Kahit ang sinusuportahan daw ng halos buong pamilya niya ay ang tandem nina Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, umiiral pa rin umano ang demokrasya sa kanilang pamamahay.

Kinuwestiyon din ni Mark ang paninirang puri umano ni Kris sa kanila.

Nag-ugat ito sa grand rally ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa Tarlac City noong March 23, kung saan sorpresang dumating si Kris.

Doon ay nagpasaring si Kris na galit siya sa isang taong "walang utang na loob."

Bahagi ng pahayag niya, “Sorry, sinabihan akong huwag makipag-away, pero nabubuwisit po talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m sorry na hindi ako yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo.

"Dahil nakakabuwisit talaga yung walang utang na loob."

Walang binanggit na pangalan si Kris, pero may ilang tao sa crowd ang isinigaw ang pangalan ni Mayor Cristy Angeles, na nauna nang nag-endorso sa tambalang Marcos at Duterte.

Pero hindi in-acknowledge ni Kris kung sino nga ba ang tinutukoy niya.

Read: Tarlac City mayor's daughter cries foul over Kris Aquino's "walang utang na loob" accusation

“BAKIT KAILANGAN MANGYURAK?”

Gaya ng kanyang kapatid na si Anvi, umalma rin si Mark Angeles sa paniniwala niyang ang kanilang ina ang pinarunggitan ni Kris.

Hindi raw niya mapagtanto kung bakit naging negatibo ang pagsampa ni Kris sa entablado ng Robredo rally sa kanilang siyudad.

Ginamit din ni Mark ang pagkakataon upang pasaringan ang kampanya ng mahigpit na kalaban ng sinusuportahan nilang kandidato, na may ilang tagasuporta na grabe rin ang paninira sa kalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Mark sa kanyang post: “Isang mapagpalang umaga po. Di ko lubos maisip na kailangang humantong sa pagdadala ng KAMUHIAN ang kampanya ni Miss Kris Aquino.

"Akala ko po ba disenteng national campaign? Bakit kailangang mangyurak pa ng iba?

“Gusto ko sanang manahimik pero sana po maunawaan ninyo na nanindigan lamang po ang kapatid ko bilang ANAK, at hindi bilang botante.

“Tulad po ninyo na mayroong ding mga sariling ina at kapatid, ayaw nating makitang sinasaktan sila.”

Kasunod nito, sinabi ni Mark na nagpaalam umano nang maayos si Anvi sa ina na ang susuportahan niya ay si Robredo. Nirespeto raw ito ng kanilang ina.

Lahad niya, “Sa katunayan, ng paalam pa ang kapatid ko na mag Leni kahit napag pasyahan na BBM ang susuportahan ng aming mga magulang, na siya naman pong MALUGOD na TINANGGAP at NIRESPETO ng aming ina at ama.

"Sana po huwag tayong maging mapang husga at sana manaig ang mapayapa at respetadong pangangampanya. Salamat po."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kasalukutyan ay wala nang muling paramdam pa si Kris sa kanyang Instagram.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tarlac City Mayor Cristy Angeles's son Mark Angeles (not in photo) questions Kris Aquino's tirades against his mother and their family: "Di ko lubos maisip na kailangang humantong sa pagdadala ng KAMUHIAN ang kampanya ni Miss Kris Aquino."
PHOTO/S: Courtesy: VP Leni Robredo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results