Kasalukuyang sinu-shoot sa Iloilo City ang Filipino adaptation ng Korean series na A Love to Kill na pinagbibidahan ni Ian Veneracion.
Ipapalabas ito sa Netflix.
Ang A Love to Kill ay sa direksiyon ni Lester Pimentel at produksiyon ng Studio 360.
Kasama sa cast sina Joel Torre, Andrea Torres, Justin Cuyugan, Nicole Cordoves, Louise Abuel, Pepe Herrera, Ponciano Bernardo, at Aljur Abrenica.
Tampok sa series ang iba’t ibang tourism sites sa buong lalawigan ng Iloilo.

Isa sa naging shooting location ang makasaysayang Ker and Co. Ltd. Building kung saan pansamantalang isinarado sa mga sasakyan ang mga daraanan dito.
Ang Ker and Co ang isa sa mga unang foreign companies na nagnegosyo sa Pilipinas.
Itinatag ito ng mga British noong 1850s. Ang kumpanya ang nagluluwas noon ng mga sucar cane mula sa Iloilo patungo sa straits colonies ng Britain.
Ayon kay Ms. Junel Ann Divinagracia, city tourism officer, tumutulong ang Iloilo City Tourism Office sa production team sa pagpili ng locations para sa series.
Tinitiyak din nila na naaasikasong mabuti ang mga artista at production staff.
Iloilo City Tourism Officer
Pahayag ni Junel, “The series is a great opportunity for Iloilo City to showcase its tourism attractions to the global audience."
Dagdag ni City Tourism Operations Officer Florence King H. Erlano, sumigla rin ang negosyo at may mga kababayan silang nagkatrabaho dahil sa series.
Doon na raw kasi nagrenta ang filming crew rent ng equipment, nag-employ local cast and crew, bukod pa ang bayad sa food and accommodations.
Ani Florence, “In the long run, once the series will be released, the impact will be mostly on the tourism sector, especially that it is an international streaming platform.”
Sabi pa nila, ang city government ang namamahala sa crowd management. Bukod sa free swab testing para sa team, libre rin ang paggamit sa ilang city properties bilang location venues.
Inaasahang matatapos ang shooting sa April 5, 2022.
