PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Taberna on well wishes of Kakampinks to daughter Zoey

Anthony Taberna, family now staying in Singapore for Zoey's medical treatment.
by Arniel C. Serato
Published Mar 23, 2022
Anthony Taberna grateful to all well-wishers of daughter Zoey Taberna
Veteran broadcaster Anthony Taberna says he and his family are now in Sinagpore for daughter Zoey's medical treatment: "Nakakadalawang buwan na po kami dito sa Singapore at mahirap po yung malayo sa piling ng sarili mong pamamahay at mga mahal mo sa buhay."
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying28 / @rosseltaberna on Instagram

Dalawang buwan na palang naninirahan sa Singapore ang brodkaster na si Anthony Taberna at ang kanyang pamilya para sa pagpapagamot ng anak niyang si Zoey Taberna.

“Nakakadalawang buwan na po kami dito sa Singapore at mahirap po yung malayo sa piling ng sarili mong pamamahay at mga mahal mo sa buhay.

“Pero kailangan po na nandidito po tayo,” pagbubunyag ni Anthony sa kanyang Facebook Live, Martes ng gabi, March 22, 2022.

Bago nag-live ay nag-post muna si Anthony ng pasasalamat sa lahat ng nagdasal para sa paggaling ni Zoey, na patuloy na lumalaban sa sakit na leukemia.

Binati rin ni Anthony ang anak ng "happy birthday."

Bahagi ng caption niya: "Zoey, bilib kami sayo. Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday (NEW birthday) sa iyo, Anak"

Pero paglilinaw ni Anthony, hindi talaga kahapon ang kaarawan ni Zoey.

Ayon kay Anthony, ang kanilang ipinagdiwang kahapon ay ang successful medical procedure ni Zoey sa isang ospital sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng DZRH anchor, “Muli po nagpapasalamat ako sa lahat ng nagpapaabot ng suporta sa aking mga anak, kay Zoey lalo na.

“Si Zoey po ay, hindi po totoong birthday ni Zoey ngayon ha, kaklaruhin ko lang. Hindi po totoong birthday ni Zoey, sinabi ko lang po, binati ko lang siya ng happy birthday dahil ang sabi ko nga ito yung kanyang new birthday.

“Because today, March 22, 2022, ay meron po kaming isang procedure na dinaanan kaya sini-celebrate natin ito na siya po ay nakalampas sa procedure na yun.

"At sa tulong po yun ng kanyang kapatid na hindi po nag-atubili na suportahan ang kanyang kapatid, si Helga Antonette Taberna.

“Maraming salamat po sa tuluy-tuloy na panalangin po para po sa aming pamilya.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Anthony sa supporters ni Vice President Leni Robredo, na kilala bilang Kakampinks, dahil kahit minsan na siyang binansagang kritiko ng lone woman presidential aspirant ay nagpaabot pa rin ang mga ito ng mensahe sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng Dos Por Dos host, “Ang totoo nun, maniniwala kayo, marami pong ang profile pictures ay kulay pink, ang nagmi-message po sa akin na naggi-get well soon para po kay Zoey, fast recovery ni Zoey.

“Ang ibig pong sabihin po nun, kahit anong kulay nagpapaabot ng well wishes, natutuwa po ako dun.

“Sobrang natutuwa po ako dun kasi kapag ganun ang damdamin ng isang tao na, yun naman ang Pilipino, di ba? Kahit na magkaiba tayo ng kulay, kung may dapat pagkaisahan, nagkaisa tayo.

“Sana nga pagkatapos ng eleksyon na ito, wala nang kulay, e.

“Kaya nagpapasalamat po ako sa mga nagpa-private message sa akin, meron pong sa post ko kanina. Maraming salamat po, anumang kulay, yung message po ninyo, nakakatuwa po kayo.

“Pagpalain po kayo ng Panginoong Diyos. Nagpapalakas po ng loob naming ang mga mensahe pong galing sa inyo.”

December 2, 2019 na-diganose na may leukemia si Zoey.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster Anthony Taberna says he and his family are now in Sinagpore for daughter Zoey's medical treatment: "Nakakadalawang buwan na po kami dito sa Singapore at mahirap po yung malayo sa piling ng sarili mong pamamahay at mga mahal mo sa buhay."
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying28 / @rosseltaberna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results