PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newcomer Benz Sangalang willing to do frontal nudity

Benz Sangalang to star in Secrets and new version of Scorpio Nights.
by Jerry Olea
Published Mar 22, 2022
benz sangalang
Newbie actor Benz Sangalang on his expectations in showbiz: "Gagawin ko lang po yung best ko siyempre. Pag ginawa ko naman yung best ko, baka mas maganda ang kalabasan nitong papasukin ko. Pero siyempre, 'yan… makikisama. Hindi ko tinataasan ang expectations ko, e. Kasi, mahirap pag mataas ang expectations mo, hindi mo na-achieve, masakit."

Na-edit out ang karamihan ng eksena ni Benz Sangalang bilang nars sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry na Rainbow’s Sunset, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

“Nasa billing naman po ako dun. Nasa poster naman,” sambit ni Benz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa virtual tsikahan noong Huwebes, Marso 17, 2022.

“Pero in-edit kasi ni Direk Joel yung mga scene ko. Hindi yata nagustuhan yung acting ko...”

Sa kasunod niyang movie ay bida na siya, ang Secrets na ididirek ni Jose Javier Reyes para sa Vivamax.

Sa Abril 2 nakatakdang mag-umpisa ang shooting nito, kung saan tampok din sina Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee at Felix Roco.

Co-star din si Benz sa bagong bersiyon ng Scorpio Nights na bida ang magkasintahang AJ Raval at Aljur Abrenica. Sa Mayo ito nakatakdang magsyuting.

Ano ang expectations niya sa showbiz?

Tugon ni Benz, “Ano lang po, hmmm, gagawin ko lang po yung best ko siyempre. Pag ginawa ko naman yung best ko, baka mas maganda ang kalabasan nitong papasukin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siyempre, 'yan… makikisama. Hindi ko tinataasan ang expectations ko, e. Kasi, mahirap pag mataas ang expectations mo, hindi mo na-achieve, masakit.

“Pero gagawin ko yung best ko para makuha ko man lang yung pinakaano ng potential ko.”

ON DOING DARING SCENES

Handa na ba siya sa mga mapangahas na eksena?

“Napag-usapan na po namin ni Direk Joey [Reyes] sa Zoom meeting iyong gagawin ko sa Secrets,” napapangiting salaysay ni Benz.

“Medyo suspense na may konting sexy yung Secrets. Siyempre, di mawawala yun. Pero suspense po siya, e, parang ganun.

“Napag-usapan na namin ni Direk na yun talaga, kahit before wala pa talaga, never pa akong naghubad sa movie… dito, hubad talaga ako. Kaso yun nga, nakaplaster, ganyan. Pero hubo’t hubad talaga.”

Napanood pareho ni Benz ang Scorpio Nights (1985) nina Anna Marie Gutierrez, Daniel Fernando at Orestes Ojeda, maging ang Scorpio Nights 2 (1999) nina Joyce Jimenez at Albert Martinez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpaplaster pa rin ba siya sa bagong Scorpio Nights movie? Sa unang bersiyon ay nag-frontal pareho sina Daniel at Orestes.

Napangiti muli si Benz, “Hindi na ho siguro. Kasi, malamang, hindi talaga yun, e. E, ano naman ho yun, e… parang… parang big break na yun.

“Kaya kung dun ko kailangang gawin yun, e, pwede. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Noong may nag-comment kamakailan sa Facebook post niya na kesyo magpo-frontal siya sa pelikula, parang napikon siya.

Napakunot-noo nang bahagya si Benz, “Siguro sa umpisa lang po. Pero siyempre, trabaho naman. Saka hindi lang naman ako ang gagawa niyan, pati yung mga sikat talaga. Ginawa na nila, e.

“Paano pa ako? Wala pa nga akong pangalan, tapos aarte na ako?”

BEFORE GETTING PROJECTS

Paano ba niya sinuportahan ang sarili noong wala pa siyang project? Ano ang pinagkakitaan niya?

“Siyempre, lahat naman tayo, talagang masu-short dahil hindi naman stable kapag wala kang regular na project,” matamang tugon ng model-turned-actor na si Benz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang ginawa ko po nun, e, may sasakyan kasi ako, e. Siyempre, kung magvi-VTR ako, tapos paano kung hindi makukuha? Gastos sa gasolina. Hindi ko na ginagamit.

“Saka po pumupunta lang ako sa casting pag request talaga ako. Yung talagang malaki ang tsansa na makuha. Pero hindi ko kayang gawin yung kada may casting, pupunta ako. Kasi nga, baka sayang lang yung punta ko.

“Yun, parang… self-support lang naman po. Wala naman akong ano, pero nagpaplano na rin sana akong mag-abroad nitong mga nakaraan.

“Kaso, dumating itong projects. Siguro, hindi ko kapalaran yung mag-abroad na yun kaya… saktung-sakto, e. Talagang decided na akong mag-abroad, e. Magtatrabaho sana ako sa hotel.

“Tapos saka dumating si Mommy [Jojo Veloso, manager niya], ayun.”

INDECENT PROPOSALS

Noon pa man ay nakakatanggap na ng indecent proposals mula sa mga bading si Benz.

“Before po, yung mga garapal na nang-aano sa akin, talagang inaaway ko, e,” natatawang pag-amin ni Benz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na kunyari sa MRT, in person, noong bago pa magkapandemya. Talagang aambahan ko ng suntok, ganyan.

“Pagka sa Facebook, kahit mga direktor, mga ganyan. Pero ngayon, siyempre, nasa showbiz na ako, medyo… babawasan ko na lang yung pagpatol. Hahayaan ko na lang siguro.

“Huwag mo na lang entertain-in, ganyan. Mas maganda pa rin, yung pera mo, pinaghihirapan mo kesa ganyan.”

Ano ba ang family background niya? May mga kapatid o kamag-anak ba siyang sumusuporta sa career niya? Ano ang sabi ng parents niya sa pag-aartista niya?

“Bale… wala na po akong pamilyang kasama. Kasi, mommy ko po, namasaker po yun mga 2011,” pagtatapat ni Benz.

“Tapos second family lang kami. Kaya hindi ko kasama ang dad ko. May half-sister po ako, nasa Romblon. Wala po akong kasamang family sa bahay. Solo ko lang.”

SURVIVING THE PANDEMIC

Ano ang pinagkakitaan niya noong laganap nang lubos ang pandemya? Paano niya naitawid ang kanyang basic needs?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagipit din po ako nun. Siyempre, lahat naman, e. Parang dun ko naisipang gumawa ng YouTube channel na tungkol sa sports, puro basketball.

“Kasi, nasa bahay ka lang, edit-edit, research. Parang dun po ako kumuha ng kabuhayan ko nung kasagsagan ng pandemya.

“Tapos medyo tumaba ako, kasi hindi nakakapag-work out. Yun nga, nasa bahay lang, walang exercise. Libangan lang, kumain talaga.”

Sumagi ba sa isip niyang gumawa ng private channel kung saan mapapanood ng online subscribers ang pagsasarili niya o pakikipagtalik?

Mabilis na umiling si Benz, “Hindi pa po, kasi alam ko ang consequence nun pag ginawa ko yun, e.

“Yung iba, e, kung talagang gipit na gipit sila, kumapit sila sa patalim. May mga kilala ako na gumawa niyan, e.

“Ako, hindi ko ho talaga naisip gawin.”

Nasubukan na ba niyang makipag-cybersex?

Napabuntong-hininga si Benz, “Alam ko ho kasi na anytime puwedeng kumalat. Mawala yung cellphone mo, o kaya cellphone naman niya ang mawala, yung mga ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw girlfriend ngayon si Benz.

Kumusta si Jojo Veloso bilang manager?

“One month pa lang po ako kay Mommy pero ngayon pa lang, OK na OK po ako. Kung ikukumpara ko sa manager ko dati, malayo,” sambit ni Benz.

“Iba talaga. Kumbaga, wala nga akong nanay, parang siya na yung nanay ko ngayon. Alagang-alaga po talaga ako!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie actor Benz Sangalang on his expectations in showbiz: "Gagawin ko lang po yung best ko siyempre. Pag ginawa ko naman yung best ko, baka mas maganda ang kalabasan nitong papasukin ko. Pero siyempre, 'yan… makikisama. Hindi ko tinataasan ang expectations ko, e. Kasi, mahirap pag mataas ang expectations mo, hindi mo na-achieve, masakit."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results