PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dynee Domagoso-Isko Moreno love story

Dynee reveals she did not attend her own wedding with Isko.
by Jojo Gabinete
Published Mar 15, 2022
dynee domagoso on husband isko moreno
Dynee Domagoso on the first time she met husband Mayor Isko Moreno: “I didn’t like him that time... Para lang umalis siya, I said something na akala ko tatagos sa kanya. Ay, wala siyang pakialam. Sabi ko, 'Alam mo, I just watched your movie a few days ago, ang baduy mo mag-English, ha?' Ang taray! Ah, sabi niya, ‘Trabaho lang yun.’"
PHOTO/S: Facebook / YouTube

Ang unique love story nila ni Manila Mayor Isko Moreno ang isa sa mga ibinahagi ni Diana Lynn “Dynee” Domagoso sa panayam sa kanya ni Boy Abunda para sa "The Interviews with the Wives and Children of the 2022 Presidential Candidates" ng The Boy Abunda Channel sa YouTube.

May boyfriend at may isang anak na lalake si Dynee nang magkakilala sila ni Isko sa isang bar/restaurant sa Nakpil St., Malate, dating sikat na “gimmick” area, noong 1999.

Konsehal pa lamang noon sa Maynila si Isko.

“We were introduced kasi gusto raw niya akong makilala.

"Akala ko pinagtitripan lang ako kasi amongst my friends, ako lang yung that time ang may anak na. Everyone was single.

"Nung ipinakilala kami, hindi na siya umalis sa tabi ko," umpisang kuwento ni Dynee tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Isko.

Pag-amin pa ni Dynee, hindi niya gusto noon si Isko.

“I didn’t like him that time kasi nga loyal ako. Para lang umalis siya, I said something na akala ko tatagos sa kanya. Ay, wala siyang pakialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Alam mo, I just watched your movie a few days ago, ang baduy mo mag-English, ha?' Ang taray!

“Ah, sabi niya, ‘Trabaho lang yun.’

“Hindi siya umalis, as in pinanindigan niya, nakatingin siya sa akin the whole time. I could see it from my peripheral [view].”

Ayon kay Dynee, love at first sight ang naramdaman ni Isko para sa kanya sa kanilang unang pagkikita. Pero diretsahan niyang sinabing nag-aaksaya lamang ng panahon ang kanyang manliligaw.

“A week after I met him, because I already told him the day after I met him, I told him, 'I think I know you like me but don’t waste your time.'

“I said, 'I have a boyfriend and I have a son with my boyfriend.' Sabi niya,’ Okay, friends pa rin tayo.’

“Sabi ko, 'Huwag na. Consolation prize pa yun. You don’t have to tell anyone na nag-back out ka na.'"

THE SCENE AT THE LIBRARY

Patuloy na lahad ni Dynee, “A week after I met him, isang buong araw, hindi tumawag. Hindi nag-text. Kaya sabi ko, baka nagising na. Baka nag-give up na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagdating ng gabi, bago mag-alas dose, tumatawag. 'Asan ka?'

“Sabi ko, 'Nasa The Library,'" pagtukoy ni Dynee sa sikat noong sing-along at comedy bar sa Nakpil St., Malate.

“Sabi niya, ‘Pupunta ako diyan.’

“Ay, ang tapang. Naisip ko, 'Humiram ng tapang sa alak ito. Iba!'

“Pagdating, siyempre naghihiyawan na yung mga tao sa Library, yung mga nagsu-show.

“Nakatiklop yung Barong Tagalog niya [Isko]. Galing sa session.

"Umupo sa tabi ko, sabi niya with a very loud voice, 'Alam mo, karma ba kita? Alam mo kasi, ang dami naman ibang babae diyan, e, bakit ikaw pa?’”

Parang eksena mula sa isang pelikula ang sumunod na pagsasalarawan ni Dynee tungkol sa pag-uusap nila ni Isko dahil sa linyang pinakawalan nito.

“‘Alam mo, I hate you! I hate you! I hate you because I love you!’

“Lahat ng tao sa Library, palakpakan, parang pelikula. Yun pala, wala na palang nagso-show. Lahat nakikinig sa amin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinabi niya in public talaga sabay hinila ko na siya palabas. Pinauwi ko lang kasi nakakahiya."

Humingi ng paumanhin si Dynee sa kanyang anak na si Patrick Ditan, na kasama niya sa interview, nang magtanong si Boy kung hiwalay na siya sa boyfriend niya—ang biological father ni Patrick—nang mangyari ang eksena nila ni Isko sa The Library.

“Malapit na…I’m so sorry but he knows the story. He [Patrick] knows the story.

"It’s a long-distance relationship because he was studying in America at that time," sabi ni Dynee tungkol sa dating boyfriend.

dynee domagoso son patrick ditan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DYNEE ASKED ISKO TO MARRY HER

Makalipas ang isang buwan, naging opisyal na ang relasyon nina Dynee at Isko.

At makaraan lamang ang isang linggo, si Dynee na ang nagyayang magpakasal sila.

Kuwento niya, “Nasa Skyway kami. Ihahatid niya ako papuntang Las Piñas after school.

"And it was almost his birthday, October 24. So, sinagot ko siya October 8.

“A week after that, I said, 'Anong gusto mong regalo?'

"Sabi ko, 'Huwag masyadong mahal, ha? Estudyante pa lang ako [sa La Salle University Taft], I don’t have much money.'

“Sabi niya, ‘Wala. At this point in time, wala akong kailangan, kasi may negosyo ako, artista ako, pulitiko ako. Okay naman ang nanay ko, may girlfriend pa ako, so there’s really nothing I want for my birthday.’

“Sabi ko, 'Gusto mo magpakasal tayo?'

"It was a damn joke. I didn’t know he’s gonna take it seriously.

"Right then and there, he picked up his cellphone, tinatawagan na niya yung staff niya. Ipaayos na raw yung papel para kumuha ng marriage license. Ibinigay niya yung buong detalye ng pangalan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Totoo kaya ito?' Yun pala, inasikaso na niya.

"And then, he told me, ‘Mag-set tayo ng date, ha? Kailangan December 8 kasi [Feast of the] Immaculate Conception, para blessed yung ating marriage.'"

THE RUNAWAY BRIDE?

Dumating ang December 8,1999 at handang-handa na si Isko para sa civil wedding nila ni Dynee.

Pero nagkaroon ng problema dahil hindi dumating ang kanyang bride-to-be.

“Hindi ako nakarating. Naka-set na,” salaysay ni Dynee.

“Ian de Leon was one of the witnesses and some of his [Isko] friends and staff.

"We were supposed to do it in one of the hotels in Malate, a small room, dun lang yung ceremony.

"Hindi ako nakarating.

“Sabi ko kasi sa kanya, 'Nalaman ng mommy ko for I don’t know what reason na nakarating sa kanya ang balita.'

“Sabi ko, 'Huwag na lang nating ituloy. Let’s postpone it for another day kasi nahihiya akong magsinungaling.'

“Umaga pa lang, sinabi ko sa kanya, 'I-cancel mo. Mga next week na or maybe two days from now. Not today.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dun ko unang narinig yung salita na, ‘Pag gusto, maraming paraan. Pag ayaw, maraming dahilan.’ So, tumatak sa isip ko yun."

Pagpapatuloy ni Dynee, "Pero hindi pa rin ako nakarating kasi nga meron akong dahilan at saka you [Patrick] had a fever that day so I can’t just leave.

“I can’t just tell my mom. I told her kasi I was going to Duty Free. I know, right, how lame.

“Sabi niya, ‘Duty Free lang ‘yan.Puwede pa ‘yan the next day kasi 48-hours naman ‘yan, e.’

“So when I met him [Isko] the next day, magang-maga yung mata niya.”

Nang sumunod na buwan, January 2000, natuloy ang naudlot na pagpapakasal ng dalawa noong December 1999 dahil binigla ni Isko si Dynee.

“Sabi niya, ‘Gusto mo pa ba akong pakasalan?’

“Sabi ko, 'Oo naman.'

“Sabi niya, ‘Sige, gugulatin na lang kita one of these days.’

“As in nagulat ako. January 10, may pasok na uli, back to school na. Sinundo niya ako because I have a five-hour break sa La Salle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Punta tayo ng Café Adriatico, sa tapat noon merong Mil Nevecientos, ikakasal tayo mamaya.’

“So, natuloy… that day, as in umuwi ako nang may singsing.”

Bukod kay Patrick, may apat na anak sina Dynee at Isko.

isko moreno family

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dynee Domagoso on the first time she met husband Mayor Isko Moreno: “I didn’t like him that time... Para lang umalis siya, I said something na akala ko tatagos sa kanya. Ay, wala siyang pakialam. Sabi ko, 'Alam mo, I just watched your movie a few days ago, ang baduy mo mag-English, ha?' Ang taray! Ah, sabi niya, ‘Trabaho lang yun.’"
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results